Chapter 17- The Eye

2.6K 86 5
                                    

Mira POV

"Gamitin mo ito"

Sinalo ko  ang tungkod na inihagis ni Lola Eleo. 

"Hindi lang iyan basta-basta kahoy" saad nito.

"Lumapit ka rito at ipapakita ko ang mga iba't ibang estilo ng pakikipaglaban" saad ni Lola Eleo

Mukhang tuturuan niya ako kung paano gamitin ang tungkod na ito.

"Dito sa Hellux, madalang lamang ang makikita mong may mabubuting loob dahil halos lahat ng naririto ay nagkasala at nakagawa ng kasamaan" saad nito habang lumalapit ako sa kanya.

"Kaya naman dapat kang maging alerto. At kailangan mapaigting mo ang pisikal mong kakayahan dahil yun lamang ang meron ka sa ngayon."

Nabigla ako ng hambalusin nia ako ng tungkod na hawak nito. Kaya naman napaatras ako upang iwasan.

Sunod-sunod ang ginawa nitong pagaatake.

Napangiwi ako dahil muntikan na ako, muli iniwasan ko ang tungkod na hawak nito.

"Dapat marunong ka rin lumaban, hindi puro pag iwas. Dahil hindi ka magkakaroon ng pagkakataong matalo ang iyong kalaban kung hindi mo alam umatake"

"Ahhhhhhhh" nasagi ang aking tagiliran ng hawak nitong tungkod.

"Lumaban ka Mira, gamitin mo ang iyong sandata" si Lola Eleo.

Iyan na naman siya, iniharang ko ang kahoy na hawak ko sapagkat hindi ko na magawang umiwas sa atake nito.

"Bumangon ka riyan" utos nito.

At muli ay inatake niya ako, ngunit sa pagkakataong ito ay nagawa ko ng salagin ang bawat atake ni Lola Eleo. Parang kapareho lamang ng pagsasanay na naipamulat ng aking ama sa akin. Oo, sinanay ako ng aking ama upang  ipagtanggol ang aking sarili mula sa mga mang aapi sa akin. Ngunit kumpara sa kakayahan ng mga Oreo at Navino, pisikal na lakas lamang ang meron kami, dahil isa lamang kaming Orde.

"Magaling Mira, mukhang hindi na ako mahihirapang turuan ka." saad ni Lola Eleo.

Napatango na lamang ako bilang pagsangayon sa kanyang sinabi. At nagpatuloy sa aming pageensayo hanggang sa sumapit ang dilim at napagdesisyonan na naming umuwi.

***

Halos isang buwan akong nagsanay upang pag ibayuhin ang aking kakayahan sa paghawak ng iba't ibang sandata sa tulong narin ni Lola Eleo.

Bihasa ito sa paggamit ng iba't-ibang armas.

"Mira" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Lola Eleo.

Pagkatapos kasi ng isang linggong pagtuturo niya sa akin ay hinayaan niya na akong magisang mag ensayo.

"Lola Eleo, bakit po kayo naririto?" tanong ko.

"Sa tingin ko'y nararapat lamang na turuan kita ng iba pang paraan ng pakikipaglaban" saad nito

"Kunin mo ang tungkod na binigay ko sayo" dugtong nito.

At muli nagtungo kami sa gubat kung saan una kaming nag ensayo.

"Sinabi ko noon na hindi ordinaryong kahoy ang tungkod na ipinagkaloob ko sa iyo, pagmasdan mo..." si Lola Eleo.

Tinignan ko naman ang aking tungkod, ngunit isang minuto na ang nakakaraan ay wala namang akong nakitang pagbabago.

"Nakita mo ba ang kakayahan ng kahoy na ito" tanong nito.

Napakamot ako. "Wala po akong napansing kakaiba" sagot ko.

"Pagmasdan mo ang punong iyon" turo nito sa isang punong kahoy na malapit sa amin.

Ngunit hindi sa puno nakadirekta ang aking mata kundi sa kung anong nilalang ang nasa ilalim ng lupa at patuloy itong gumagapang patungo sa akin.

Napaatras ako, "Lola Eleo, may kung ano sa ilalim ng lupa" natataranta kong saad.

Napangisi ito.

"Iyan ang kakayahan ng tungkod na hawak mo, kaya nitong manipulahin ang mga puno't halaman, maging ang lupa." sa halip ito ang kanyang sinagot.

"Subukan mong gamitin ang tungkod na bigay ko."

"Ngunit paano, isa lamang po akong Orde at walang kakayahan na gumamit ng kahit anong kapangyarihan" saad ko.

"Subukan mo lang Mira, hindi naman sayo manggagaling ang kapangyarihan kundi sa kahoy na iyan. At isa pa ikaw lamang ang susundin niyan sapagkat dugo mo ang ginamit ko upang buhayin ang tungkod na iyan."

***Lingid sa kaalaman ni Mira, palihim na kumuha si Lola Eleo ng kanyang dugo minsang natutulog ito upang buhayin ang kahoy na likha nito. Kung kaninong dugo ang mananalaytay sa kahoy na iyon ay ang siyang tanging makakagamit nito. Paraan ito ng matanda upang bigyan ng kapangyarihan si Mira.

"Isipin mong kaisa ka ng kahoy na iyan, at damhin mo ang pagdaloy ng iyong dugo." saad ni Lola Eleo.

Hinawakan ko ang tungkod at iminuwestra sa isang maliit na puno malapit sa kinatatayuan ko. Pumikit ako alinsunod sa kanyang sinabi, pinakiramdaman ko ang pintig ng aking puso at ang pagdaloy ng dugo sa aking katawan. Unti unti ay parang nagkakaroon rin ng pintig ang tungkod na hawak ko, ang pagdaloy ng dugo papunta sa tungkod at pabalik sa akin. Sa ilang minutong pagbabalak kong paganahin ang tungkod na hawak ko ay tila nahigop lahat ng aking lakas. Hindi ko na kinaya kaya naman, napamulat ako at tumambad sa akin ang isang malaking puno.

Ito na ba ang maliit na puno kanina?, tanong ko sa isip ko.

Sakabila ng aking pang hihina ay nagawa ko paring tumayo. Ngunit unti unting bumibigay ang aking katawan.

Itinungkod ko ang hawak kong kahoy upang panatilihin ang aking balanse.

Nanghihina ako at liningon ko si Lola Eleo upang tanungin kong nagawa ko ba, ngunit isang kamay ang tumambad sa akin. 

"Ahhhhhhhhhhhhh" sigaw ko sa kabila ng panghihina. Nabuwal ako at namilipit sa sakit.

"An- ang m- mata ko- o", saad ko bago ginapi ng matinding panghihina at sakit ng pagkadukot ng kanan kong mata.

****

iammrlee

Sorry guys for not making an updates for long time. Busy kasi sa work. Hope you have enjoyed the story.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon