Third Person's POV
"Ngayon na Zeid!" sigaw ni Dustin habang pinapalibutan nito ng kanyang Water Sphere ang kalaban. Sa pagkakataong ito ay hindi mapagana ni Agres ang taglay nitong kapangyarihan, kaya't ginamit nito ang kanyang pat-pat upang gumawa ng kawangis niyo at makatakas sa kapangyarihan ni Dustin.
Ang mga kasangkapan ng titinia, katulad ng pat-pat ni Agres ay hindi naapektuhan sa taglay na kapangyarihan ng mga nilalang na may kakayahang hindi paganahin ang kapangyarihan ng sinuman.
Nagpakawala naman si Zeid ng malakas na bultahe ng kidlat na syang tumupok sa wangis ni Agres.
Habang abala ang dalawa, iyon rin ang ginamit na oras ni Agres na tumakas at nagtungo sa kastilyo.
Agad namang nakarating si Agres sa kastilyo at naabutan nitong kasalukuyang nakikipaglaban si Partisan sa isang bandido na may bandana. Pinagmasdan nito ang paligid at napagtanto nitong isang erebus ang bandido dahil sa aninong pumapalibot sa buong sahig ng kastilyo.
"Ako ng bahala sa isang ito", saad ni Agres kay Partisan.
"Agres!" saad ni Partisan, na tila hindi nito naulinigan ang kanyang pagdating.
Nagpakawala si Agres ng bolang apoy patungo sa kinaroroonan ni Brando, at tila naramdaman rin ito ng lalaki.
"Brando sa likod mo!" sigaw ni Heneral Diokno, dahilan upang mapamulat ang lalaki at nawala sa konsentrasyon.
Naiwasan nito ang bolang apoy ni Agres, ngunit nanghina ito dahil sa labis na paggamit ng kanyang kapangyarihan.
"Magaling Erebus!", saad ni Agres saka nagpakita ito sa lalaki."At sino ka naman?" tanong ni Brando habang sinisinop ang kanyang lakas na nawala dahil sa dami ng ginamit nitong kapangyarihan.
"Ako lang naman ang dating reyna ng Ore" sagot ng babae.
"Anong--?" nasambit ni Brando at maging si Diokno ay nagulat sa rebelasyon ng kanilang kaharap.
Sa pagkakataong iyon ay nakalapit na si Heneral Diokno sa kinatatayuan ni Brando. Batid nito ang panghihina ng binata kayat dali-dali itong lumapit sa kinaroroonan nito.
"Dating reyna?" ulit na saad ni Brando saka ngumisi.
Hindi inaasahan ni Agres ang sumunod na galaw ni Brando, kayat napasailalim ito sa kapangyarihan ng binata.
"Huli ka!" nakangising saad ni Brando, at sa huling patak ng kanyang kapangyarihan ay nagawa nyang nyang hulihin ang babae.
Nagulantang ang babae dahil hindi nito magalaw ang buo nitong katawan.
Pumikit si Brando upang iwasan ang ano mang patraydor na tira ni Partisan, dahil batid nitong nasa paligid lamang.
"Par-ti-san hin-di ko ma-ga-law ang" nahihirapang saad ni Agres.
"Paanong?..", kumunot ang noo ni Brando ng nakawala si Agres sa kanyang anino.
"Salamat, ang akala ko'y katapusan kona" sambit ni Agres.
"Ako ng bahala sa matanda, magtago ka muna habang pinapanumbalik ang lakas mo" saad ni Partisan.
Nawalan ng kontrol si Brando sapagkat sinira lahat ni Partisan ang mga bagay na nagbibigay liwanag sa kastilyo.
"Heneral Diokno! Ngayon na!" saad naman ni Brando, saka pinagana ni Heneral Diokno ang taglay nitong kapangyarihan.
Isang nakakasilaw na liwanag ang kumawala sa katawan ng Heneral na syang nagbigay liwanag sa kinaroroonan nila. Dahilan upang magamit muli ni Brando ang kanyang anino. Sa pagkakataong iyon ay si Partisan naman ang napasaloob sa kanyang kapangyarihan.
Habang si Agres ay pinapanumbalik pa ang kanyang lakas mula sa huling laban niya sa lalaking may kakayahang magpalabas ng Water Sphere.
"Ngayon ko higit na kailangan ang tulong ng aking mga alagad" saad nito saka bumulong sa hangin at ikinumpas ang pat-pat na hawak nito.
Saka nagpakawal ng malalaking bolang apoy upang mawala sa konsentrasyon si Brando, ngunit sinalag lamang ito ng Heneral.
Sa kabilang banda sa kinaroroonan nina Zeid at Dustin...
"Zeid bago tayo magpunta sa kastilyo, hanapin muna natin sina Zacheos at Ayva." saad ni Dustin.
"Zeid-" ulit nito sapagkat hindi sumasagot ang binate.
Wala pang isang iglap, tila kidlat na nawala ang kausap nito."Zeid!" sigaw nito.
Gayon din ang nangyari kay Shila habang ginagamot si Shana, nawala ito sa kanyang sarili saka nagdumadaling lumipad patungo sa kinarororoonan ni Agres.
Si Ayva ay nawalan ng malay tao dahil sa lasong nalanghap niya sa laban nila ni Aira, ngunit nasa ligtas na itong kalagayan dahil narin sa tulong ni Shila, gayon din kay Shana matapos ang sagupaan nila ng itim na demonyo at ni Zeid ay nawalan ito ng malay tao.
Habang si Zacheos ay agad sinundan si Reen patungo sa kastilyo. Si Dilan na isang traydor ay nakatulog din at marahil ilang araw pa bago ito magigising.
Si Emilia ay kasalukuyang ginagamot ang kanyang mga kasamang sugatan. Si Dustin ay napagpasyahang magtungo na rin sa kastilyo.
Sa kastilyo..."Naririto na kami Panginoon", saad ng tatlong nilalang na tinawag ni Agres.
Samantala narating narin ni Reen ang kinaroroonan nina Brando."Heneral Diokno, Brando"untag ni Reen sa mga kasamahan nito saka pinagmasdan ang estatwa na kahawig ni Serdon.
"Reen-ikaw ba yan? Mag iingat ka, makapangyarihan ang mga mata ni Partisan" saad ni Brando sa nanghihina nitong Boses.
Nananatiling nakatayo si Brando kahit wala na itong lakas, upang hindi lamang makagalaw si Partisan. Hindi na nito kayang gawin ang kagaya ng ginawa nya kanina... ang pigilan ang paghinga ng kanyang mga nakokontrol, dahil narin sa lubos nitong panghihina.
Habang si Heneral Diokno ay kaharap ang isang babaeng may balabal, ngunit may tatlong nilalang pa ang dumating.
At magkapanabay na nagpakawala ng iba't ibang kapangyarihan patungo sa kinaroroon ng Heneral. Kaya't tumilapon ang Heneral sa labas ng kastilyo, dahilan upang mawalan ng liwang sa loob ng kastilyo. At hindi naman nag aksaya ng panahon si Partisan upang makawala sa anino ni Brando.Isa pang tira ng tatlo, kay Brando naman tumama ang malalakas na bolteha ng kapangyarihan. At kagaya ni Heneral Diokno ay tumilapon rin ito sa labas ng kastilyo.
Agad namang ibinuka ni Reen ang kanyang mga pakpak upang iwasan ang susunod na pag atake ng tatlong kasamahan ng babaeng may balabal.
May ideya na si Reen kung sino ang tatlong kasamahan ng babaeng may balabal. Sina Zeid, Shila at Bena.Agad na lumipad si Reen at sinundan naman ito ng tatlong kasamahan ni Agres.
Author's Note
Salamat po sa pagtangkilik kahit hindi ko po ito nauupdate ilang taon na.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...