Chapter 57

234 10 11
                                    

Third Person's POV

Agad pinabalik ni Agres sina Zeid at Shila sa kastilyo, dahil nakaramdam ito ng malakas na kapangyarihan na sa tingin nito'y nang-gagaling sa mga kalaban.

"Sapat na si Bena upang talunin ang babaeng iyon" saad nito.

"Mahal na Panginoon" magkapanabay na saad nina Zeid at Shila ng makarating sila sa kinaroroonan ni Agres. Habang kasalukuyan namang nakikipaglaban ang ginawa nitong wangis kina Dustin at Zacheos.

Matapos na ikalat ni Dustin ang tubig sa sahig, nagpakawala rin ng kakaibang enerhiya si Zacheos.

"Zacheos!" mariin na saad ni Dustin, pagtutol nito sa  balak nitong gawin ni Zacheos.

"Ahhhh" malakas na sigaw ni Dustin ng sumaririt ang malakas na boltahe ng kidlat ni Zeid.

Nakapangalumbaba ito at bahagya nitong iminulat ang kanyang mga mata, dahil sa pamilyar na kapangyarihan na umatake rito.

"Zeid!---- anong nangyari sa iyo?" naguguluhang saad ni Dustin.

"Matagal nang may traydor sa inyo lalaki, dahil ako ang nagpadala kay Zeid sa Titania at hindi ang Reyna ng Ore" nakangising saad si Agres.

Nanatili namang nakapikit si Zacheos at pinakikiramdaman ang nasa paligid. Maging sya ay nagulat sa sinabi ng babae.

"Hindi" hindi makapaniwalng saad ni Dustin.

Kailangang maipaalam ito sa Hari, sa isip ni Dustin.

"Water Sphere", muli pinagdaop ni Dustin ang kanyang mga palad dahil akma nanamang aatake si Zeid.

Ngunit nabigla ito dahil hindi gumana ang kanyang kapangyarihan kay Zeid. Humakbang ito paatras saka iniwasan ang sunod-sunod na pag-atake ni Zeid.

"Anong klaseng kapangyarihan ito?", saad ni Dustin, batid nito kung gaano kalakas si Zeid ngunit hindi nito sukat akalain na kaya nitong kontrahin ang kanyang Water Sphere.

Maging si Agres ay nagitla, ngunit inaashan ito na hindi uubra ang kapangyarihan ni Dustin.

Hindi nga ako nagkamali ng pagpili sa isang ito, sa isip ni Agres.

Sa kabilang banda hinarap naman ni Shila ang nakapikit na si Zacheos. Pinapakiramdaman ng binata ang bawat paggalaw sa paligid. Nang mapagtanto nito kung nasaan ang kalabaan ay agad itong naglaho.

Nagmulat ito at hindi naman sinayang ng binata ang pagkakataon upang lapitan si Shila. Ngunit ng makalapit ito sa dalaga ay tila may hindi nakikitang harang na nakapalibot dito.

"Nasaan ka nilalang! Magpakita ka! Huwag kang duwag!", si Shila.

"Narito ako!", nakangising saad ni Zacheos.

Itinaas nito ng bahagya ang kanyang kanang palad at nagpalabas ng matutulis na yelo patungo sa kalaban. Ngunit hindi rin ito nakaabot kay Shila dahil sa hindi nakikitang pananggalang nito.

"Kinakailangan kong masira ang kanyang pananggalang, dahil hindi ko sya matatalo sa kondisyong ito", si Zacheos.

Nakaisip ng paraan si Zacheos, kaya naman agad nitong nilapitan si Agres. Tila naulinigan naman ni Agres ang gagawin ni Zacheos kaya't naging alerto ito.

Nang makalapit si Zacheos kay Agres ay agad itong gumawa ng matulis na espada na gawa sa yelo at ibinaon nito sa dibdib ni Agres.

"Sa tingin mo ganun ako kadaling talunin?" nakangising saad si Agres habang unti unting na-aagnas ang wangis na ginawa nito.

Doon naman nagkaroon ng pagkakataon si Agres na atakehin ang binata dahil batid nito kung nasaan ito.

Agad namang umatras si Zeid, dahil wangis lamang pala ng babae ang nakikita nito, "Ngunit ang totoo nyang katawan, nasaan? sa isip ni Zacheos.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon