Mira POV
Matapos kong agawin ang sulo ay agad akong tumalon sa lungga ng mababangis na hayop.
Nadatnan ko ang dalawang asong lobo na kay talim ang pagkakatitig sa akin. Sa tulong ng sulo ay madali ko lang ginapi ang mga ito. Wala pang limang minuto'y tapos na ang laban. Saka namatay ang apoy ng sulo.
Ibinalik ko ang espada sa kanyang lalagyan at bumunot ng dalawang palaso. Saka ko inumpisahan ang pag akyat sa pamamagitan ng pagtusok sa pader paakyat.
"Namatay ang kanyang sulo. Mukhang hindi nagtagumpay ang babae" narinig kong anunsyo ng isa.
"Kagaya ng iba! Ganda lang ang meron siya!" boses ni Brando.
"Salamat sa iyong papuri." sabat ko nang tuluyan na akong makalabas sa lungga.
"Paanong---" gulat na saad ni Brando.
Gumamit ka ng kapangyarihan! Hulihin siya!" paratang nito.
"Brando!" sigaw ng kanilang pinuno na naroon rin pala.
"Ang lugar na ito ay napapalibutan ng aking kapangyarihan. At nararamdaman ko ang bawat galaw at pangyayari. Kaya namam ikaw babae, pumasa ka sa pagsubok. Sumunod ka sa akin at bibigyang sagot ko ang iyong mga katanungan" saad nito.
Tumalima naman ako at iniwan si Brando na tila napahiya sa kanyang walang basehang konklusyon.
***
"Umupo ka dito. Bago ko sagutin ang iyong mga katanungan ay ipag sino mo muna ang iyong sarili." umpisa ng matanda.
Dalawa lamang kami sa loob ng silid.
Inumpisahan ko ang magkwento.
"Gaya ng sinabi ko ay isa akong Orde at nagpunta ako sa gubat firo upang takasan ang mga humahabol sa akin, ngunit nadakip ako ng mga tauhan ni Partisan at pinalahok sa ginawa nilang paligsahan" kwento ko.
"Paligsahan? Kung gayon naging--- sige ituloy mo" putol nito sa kanyang sasabihin.
"Ngunit ang panyayaring ito ay naganap na at lumipas na ang napakahabang panahon" dugtong ko.
"Sige ituloy mo lang" saad niya at bakas sa kaniyang mga mata ang kuryusidad.
"Kung sinuman ang mananalo sa paligsahan ay maipapadala sa Titania. Sa pamamagitan ng ibong Peruca ay nakarating kami sa Vanishing Island at doon nalagas ang buhay ng aking mga kasamah. Ako'y nahulog sa Hellux at ngayon lamang nakabalik" saad ko.
"Ngunit paano ka nakalabas sa Hellux?" tanong nito.
"Dahil sa isang kaibigan at dahil dito" saad ko saka pasimpleng hinablot ang aking kwintas ngunit alam kong hindi nito napansin ang pagkasira ng aking kwintas.
"Ang mga pakpak ng dakilang titania" namamanghang saad nito.
"Kumbinsido na ako na hindi ka nga espiya. Maari bang malaman ang iyong pangalan?" saad nito.
"Ako si Reen. Ngayon pwedeng ako naman ang sagutin niyo?" saad ko.
"Oo, ako si Serdon. Matagal na panahon na ng maganap ang paligsahan. Dinakip nila ang mga bata sa aming lugar. Ang iba'y nakapagtago ngunit ang iba'y nahuli ng mga sundalo ni Partisan. Isa sa mga kapatid ni Brando ang nahuli at hanggang ngayon ay wala pang balita sa mga batang nahuli kung napano na ang mga ito. Ngunit isang tauhan ang nakapagsabing patay na nga ang mga bata" mahaba nitong salaysay.
"Wala kaming laban sa mga ito dahil noon ay takot ang iba na sumali sa gulo at dahil sadyang malalakas ang hukbo ni Partisan. Nakuha pa nila ang nag iisang pwedeng armas namin. Ang patpat ng dakilang titania. Maging ang aking apo ay kinuha ng mga ito" dugtong pa nito.
"Kung gayon ay kinakalaban ninyo ang imperyo ni Partisan? tanong ko.
"Oo. Kami ang mga nilalang mula sa kabilang dimensyon na tinaguriang mga bandido ng mga tauhan ni Partisan. Mga makasalanan sa mundo ng Titania ngunit nagbabago rin kami at gusto namin ituring kami na hindi isang laruan at alipin. Na kahit ang mga batang walang kaalam alam sa aming mga nagawang kasalanan ay pinaparusahan." sagot nito.
"Gusto ko ng kalayaan para sa mga batang ito. Kalayaang pumili kung anong buhay ang kanilang tatahakin. Karapatang mamuhay taliwas sa buhay meron ang kanilang mga magulang." saad ng matanda.
Marami pa kaming napagkwentuhan at inaamin kong medyo gumaan ang loob ko sa kanya.
"Ano na ngayon ang balak mo?" tanong nito.
"Gusto kong panagutin ang pumatay sa aking mga magulang at hanapin ang aking mga kaibigan" saad ko.
"Bakit napano ang iyong mga magulang? At mga kaibigan?" tanong ni Serdon.
"Pinatay nila ang aking ama't ina ng linusob ang Ore kaya ako nagawi sa Gubat Firi upang takasan ang mga pumatay sa aking mga magulang. Ang mga kaibigan ko.... nasa kamay sila ni Partisan. Sila ang mga batang natira sa paligsahan" nakapangalumbaba kong saad.
"May natirang buhay sa paligsahan bukod sa iyo? Sino-sino sila" tanong nito.
"Apat na bata ang ititira sa amin. Ang sinumang dadagdag roon ay papatayin. Si Luz, mataba, may kakayahang magbago ng anyo at gayahin ang mga hayop. Isa ito sa naging matalik kong kaibigan ngunit lubha itong napinsala. Si Zeid, wala akong alam tungkol sa kanyang pinagmulan maliban nalang sa kakayahan nitong magpalabas ng kidlat. Si Bena, maputi ito at may kakayahang magpahaba ng buhok. Si Troy, may kakayahang manipulahin ang anino. At si Shila, isang mangkukulam at gaya ni Luz siya rin ang isa sa mga naging kasangga ko noon." mahaba kong kwento.
"Shila ba kamu?" saad ng matanda na naluluha.
"Opo bakit po?" tanong ko.
"Siya, siya ang aking apo. Buhay siya, buhay---" lumuluha nitong sagot.
"Sa tingin ko po'y buhay siya at isa siya sa apat na batang natira sa paligsahan ngunit sa tagal na ng panahon hindi ako nakakasigurado kung buhay pa nga ba siya hanggang ngayon. Ngunit gusto kong alamin. Gusto kong pabagsakin ang kasamaan ni Partisan" saad ko.
***
Tapos na ang aming pag uusap ni Serdon at napagdesisyonan na naming lumabas. Ngunit bago kami lumabas ay binigyan niya ako ng itim na bandana.
"Tanda ng pagtanggap ko sa iyo Reen bilang bagong kasapi." saad nito.
"Salamat po! Serdon" nakangiti kong tugon.
Nang lumabas kami sa silid ay ipinakilala niya ako sa kanyang mga kasamahan. Nagsasanay ang mga ito ngunit tumigil sila pansamantala upang pakinggan ang hatol ni Serdon.
"Mga kasama, ito si Reen isa sa mga batang nabuhay mula sa paligsahang naganap na siyang kumitil sa buhay ng maraming nilalang. At mula ngayon ay magiging kasapi na siya ng ating hukbo!" saad ni Serdon.
"Siya iyong babaeng tumalo sa mababangis na hayop" naririnig kong saad ng ilan.
"Hindi lang siya matapang, may angkin din itong kagandahan " saad naman ng ilan.
Habang ang ilan ay masaya meron din walang pakialam at hindi nakaiwas Ng mga pares ng matang matalim ang pagkakatitig.
"Pag-igihan pa natin ang ensayo mga kasama! Para sa nalalapit na pagbagsak ng imperyo ni Partisan!" sigaw ni Serdon.
***
iammrlee
Not edited. Expect typo errors

BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...