Chapter 29 - Fire

2.2K 87 0
                                    

Third Person POV

"Ahhhhhh--- hhhhhhh" sigaw ng babae habang hawak hawak ang kanyang dibdib.

"Ano ang nagyayari sa isang iyan!" sigaw ng isang purga.

"Patayin mo na! Bago pa ma---" hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin.

Napamulagat ito habang nagsasalita at unti unting nagdugo ang kanyang leeg saka nahulog ang kanyang ulo sa lupa.

Nasindak ang mga purgang nakakita nito.

"Ano iyan! " sigaw ng mga purga.

"Patamaan niyo siya ng lason!"sigaw naman ng isa.

Nagpakawala ang mga purga ng kani-kanilang kapangyarihan ngunit tila tinutunaw lamang nito ang bawat lason na ibinabato sa kanya.

"Umatras na tayo, ipagbigay alam ito kay pinuno!" sigaw ng isa.

Ngumisi ang babae at tinignan ang nagsalita. Sa isang iglap ay nakalapit ito sa purga saka sinakal.

"Bitaw---" hindi na nito natuloy ang kanyang pagpupumiglas dahil nalagutan na agad ito ng hininga.

Liningon ng babae ang iba pang mga purga at ibinuka ang kanyang mga pakpak. Mula dito ay nagpakawala ito ng maninipis at nagaapoy na balahibo.

Sa pagkampay ng kanyang pakpak ay ang paglakbay ng mga balahibo.

Mabilis na naglakbay ang mga ito na siyang bumaon sa iba't ibang parte ng mga purga. Bawat tamaan nito ay unti unting nagiging abo.

"Nasaan ang aking kwintas?" Hindi nila namalayan ngunit nakalapit na ito sa purgang humablot ng kanyang kwintas.

"Na-na-nasira na" nauutal nitong saad.

"Na-na-nalusaw" dugtong nito.

Mga katagang nagpasidhi ng galit ng babae. Naguumapaw ang lumalabas na kapangyarihan sa kanyang katawan.

"Pagbabayaran niyo ito" galit nitong saad.

Habang wala sa tamang kamalayan ang babae ay unti unti naring bumabalik ang sensasyon at daloy ng dugo ng lalaking kasama nito na nakulong sa lupang ginawa niyang pananggalang.

Ngunit tila may bumabagabang sa babae.

Hinawakan nito ang kanyang ulo na tila may gumugulo sa kanyang isipan.

"Ahhhhhhhhhhhhh" sigaw ng babae.

"Tumakas na kayo" saad ng isa sa mga sugatang purga. Naging abo ang kanyang paa at maging mga kamay nito.

"Orde" tinig ng isang babae.

"Sino ka!" pasigaw na sagot nito.

"Hindi na importante kung sino ako. Ang importante ay bumalik ka sa iyong katinuan"sagot ng malamyos na tinig.

"Ahhhhhh---hhhhhhh" muling sigaw ng babae.

"Huwag mong pairalin ang galit at puot sa iyong kalooban Orde. Ang kapanyarihan ito ay kinakailangan ng matinding paggabay upang hindi  mawala sa landas ang sinumang may hawak nito. Panatilihin mo ang dalisay nitong anyo upang gamitin sa kabutihan." saad ng tinig.

Bahagyang lumiit ang lumalabas na apoy na  pumapaligid sa babae.

"Orde gumising ka....." at unti unti naglalaho ang tinig kasabay ng paghina ng pwersang lumalabas sa babae.

Sa huling pagkakataon ay muli nitong ibinuka ang kanyang mga pakpak at nagpakawala ng mga nag aapoy na balahibo.
Wala pang isang minuto ay  nawala na ang apoy na pumapaligid sa babae at ang unti unting  pagliit ng mga pakpak nito.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon