POHEO 1

10.1K 254 84
                                    

Chapter 1

Perks

Year 2016

"Wow." Laglag ang panga ko nang nakita ang hitsura ni Colt.

Umagang-umaga pa lang kasi ay napagpasyahan kong dito na mag-almusal sa kanila. Susunod na mayamaya si Yaya Jupiter dala ang ilang pagkain. Sa ngayon, dala ko lang muna ang isang plato ng sandwiches na inihanda ko kanina.

Maliit na ngiti ang pinakawalan niya bago ulit bumalik sa pagkakabusangot. I can't help but to laugh. Because of that, I gave him a once-over. From top to bottom. Mas lalo akong natawa.

He's still wearing his pajamas. V-neck shirt na cotton at pajama para sa pambaba. Napansin kong wala siyang sapin sa paa nang pagbuksan ako ng pinto.

And his hair. Oh, his hair! It was a perfect epitome of mess! This guy!

Tinulak ko ang dibdib niya para paatrasin siya at makapasok naman ako. Sinarado ko ang tarangkahan nila sa likuran ko. I gave him a wide smile but he just showed me a scowl in exchange. Napasimangot din tuloy ako.

Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at nilipat sa kanya ang hawak-hawak kong plato. I reached for his hair and carefully combed it using my fingers for him. Habang sinusuklay ko ang buhok niya, ramdam ko lang na nakatitig ito sa akin.

"What?" Napanguso ako, pinipigilan ang pagtawa.

Humikab siya at muling ibinaba ang tingin sa akin. Galing, 'di ba? Ibinaba. E, 'di, siya na kasi ang matangkad!

"What?" mas mariin ko nang intriga.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos sa kanya at doon na lang itinuon ang pansin. "You love to mess with yourself, don't you? You're already a grown-up guy so act your age, Vecinto. How childish of you."

"But you're just here. You can take care of me," he said throatily, hoarse voice fresh harvested from his bed.

Hinampas ko ang braso niya at kinurot iyon nang bahagya. "Wow. Ginawa mo pa akong babysitter, isip-batang mahilig sa kiss!"

His brow shot up. "Now that you mentioned it. Where's my kiss?"

Walang kaemo-emosyon ang pagkakasabi niya no'n. Tinignan ko ulit ang buhok niya. Nang nakuntento na ako ay umayos na rin ako ng tayo.

Umiling-iling ako sa kanya. Muli ko siyang kinurot. This time, sa tagiliran naman niya. Napa-aww siya nang mahina at sinamaan ako ng tingin.

"That's wrong! You should be more cordial when asking for favor," sabi ko sa kanya na parang pinagsasabihan siya kung ano ang tamang gawin.

Inilahad ko ang dalawa kong kamay sa harapan niya at inumbok ang nguso. I'm good at it. To coax in order to get want I want.

"Say, 'pleeeeease?'"

Nag-beautiful eyes pa ako at umaktong parang bata. I gave him a smile na medyo nakanguso nang kaonti. I erupted in laughter mentally. I can't imagine him doing this. Masyadong pa-cute.

Pinigilan kong tumawa, napapangisi pa nang bahagya dahil hirap na hirap magpigil. Inagaw ko sa kanya ang mga sandwiches at iminuwestrang gawin niya rin ang ginawa ko.

Tinaasan ko siya ng kilay samantalang tila diring-diri na siya.

"Now it's your turn. Go, go. Don't waste my precious time."

Disgust covered his face. Kung kanina ay parang walang kabuhay-buhay ang hitsura niya, ngayon naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig.

"No way!" pagmamaktol niya.

I grimaced. Bata talaga. Bakit ko ba 'to binoyfriend? Kainis ang arte.

"Bahala ka, walang kiss!" banta ko pa lalo.

Napamura na siya sa inis, hindi siguro makapaniwala sa paandar kong ito na ganito kaaga. Habang ako, halos matawa na sa pinagagawa ko sa kanya. Pakipot lang naman ako nang kaonti. Cute niya kasi kung gagawin niya 'yon. Sarap niya lang pag-trip-an.

"No way," he snorted, loyal to his stand.

I narrowed my eyes at him. "Yes way. Go!"

Muli siyang napamura at napangisi ako sa pagkamangha. I'm now giving my boyfriend a hard time with this. Tignan natin kung anong gagawin niya.

Colt heaved a deep sigh. Which I believe an initial hint of wavering. Lalo lumawak ang ngisi ko kaya nahuli niya ako. Nahuli na niya ako! Alam na niyang pinagkakatuwaan ko na naman siya ngayon!

He made face bago ilahad ang mga kamay sa tapat ng chin niya. Muli siyang bumuntong-hininga bago ngumuso. Ugh. Those red kissable lips. Lagot ka sa akin mamaya.

Nag-beautiful eyes muna siya bago sabihin ang...

"Pleaseee?"

Humagalpak na ako sa tawa pagkatapos niyang sundin 'yung pinapagawa ko. That... that was epic!

"Oh, my gosh! Oh, my gosh! You're too cute!" tatawa-tawa ko pa ring bulalas.

Halos mamula na ako kakatawa. Hirap na akong makahinga at kulang na lang, e, humandusay na ako sa sahig!

Nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga. I knew him. It was a sign he's already embarrassed. Nagpatuloy pa rin ako sa kakatawa nang bigla siyang tumalikod at naglakad na papalayo.

Oh, no.

Nilapag ko ang mga sandwich sa pinakamalapit na upuan sa portiko nila at agad siyang hinabol.

"Tampururut naman agad 'to! Hoy, baka nakakalimutan mo! Wala pa 'yung kiss mo!"

Hinablot ko ang braso niya pero winaksi niya lang iyon. Namilog ang mga mata ko. Aba't! How dare him shook away my hold!

My brows were pulled together in a crease. Tignan mo nga naman ang damuhong ito!

"Colt Vincent?!" I sneered hysterically.

His face sharpened. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mas gusto ko. Kung ang hitsura niyang pa-cute kanina o itong nagsusungit. Baka pwede ring both.

I was cut off from my reverie when he scoffed.

"Kiss your face. You're embarrassing me. What kind of girlfriend are you?" tuloy-tuloy niyang sabi.

Napahilamos ako ng mukha ko. "I'm sorry. Ang cute mo kasi, e."

He sneered, mukha na ngang napikon. Tuluyan na niya akong tinalikuran at nauna na sa loob ng bahay nila. Ako naman itong si natawa na lang. Kinuha ko na ang sandwiches sa may portiko at pumasok na rin sa loob.

I noticed Colt on the couch lying supinely but I didn't stride towards him. Instead, I skipped straightly towards their dining hall. Naabutan ko si Yaya Mars na naghahanda na sa hapag katukatulong ang iba pang kasambahay.

"Good morning!" masigla kong bati.

Nag-echo ang boses ko sa malawak na sulok ng kanilang bahay. I chuckled.

Tinapunan ako ng isang sulyap ni Yaya Mars bago ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"O, hija. Ang hyper mo ngayon, a! Anong nakain mo?" aniya.

Nilapag ko ang mga sandwich sa table at tumawa.

"Yaya Mars, hyper naman ako palagi. At saka, wala pa nga akong almusal. Hindi pa ako kumakain," pilosopo kong biro sa kanya.

Tumawa siya kaya natawa na rin ako. Ilang sandali pa, magsasalita na sana siya nang biglang-

Oh. My. God.

My hand flew all the way to my mouth when I spotted a... a...

WHAT THE HECK IS THE MEANING OF THIS?!

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon