POHEO 8

4.5K 171 138
                                    

Chapter 8

Stay Away

Tahimik kaming kumakain sa hapag. Walang nagsasalita. Tanging nasa pagkain lamang ang atensiyon namin.

Sa normal na pagkakataon, hindi naman ako ganito katahimik kung kumain. Maybe Romeo knew what was really my reason why I wasn't in the mood.

But on the second thought, mukha namang wala siyang pakialam sa mga nangyari. He's not the type of person who cares anyway. Well, maybe. But I don't care. Ayaw ko sa lahat ay iyong nanghihimasok sa buhay ng may buhay.

"I'm done..." basag ko sa katahimikan.

Tinulak ko ang aking upuan at saka tumayo na. Inabot ko ang baso at uminom.

"Halos wala pa sa kalahati ang nakakain mo, Coleen," ani Yaya Jupiter nang tignan ang plato ko.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Romeo sa akin. Nagkibit na lamang ako ng balikat.

"I'm full. Una na po ako sa taas."

Wala na silang nagawa kundi ang hayaan akong umalis sa harapan nila.

Pagkaakyat ko sa kuwarto ay mabilis akong naligo. Pagkatapos, pumunta na ako sa walk-in closet at nagbihis ng pantulog.

I checked my phone in case he left a message o kung may missed calls na galing sa kanya ngunit ang mga mensaheng naroon ay galing sa ibang mga tao. Parang pinipiga ang puso ko nang mapagtantong wala na talaga siyang paramdam matapos ang insidenteng iyon.

Hinagis ko ang phone ko sa ibabaw ng kama. At dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok kahit napakaraming nangyari ngayong araw, binuksan ko ang TV at nanunod na lamang ng palabas.

Ilang minuto na ba ang lumipas? Hindi ko na alam. Nakatutok lang ako sa screen ng TV. Wala akong maintindihan. Hindi ko magawang mairehistro ang plot ng pelikulang pinapalabas dahil nakatulala lamang ako roon.

Bumalik na lang ang kamalayan ko nang may marinig na mga pagkatok sa pinto. Pumunta ako roon at pinagbuksan kung sino man ang kumatok.

Bumulaga sa aking harapan si Romeo. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay. He's holding a glass of hot milk. Nagkatinginan kami.

"I know you can't sleep," aniya sabay lahad sa akin ng gatas.

Tinango ko ang aking ulo at tinanggap iyon.

"Thanks..." sabi ko. "Sana hindi ka na nag-abala pa."

Pinilig niya ang kanyang ulo.

There he goes again. Why do men like to confused us girls? Pakiramdam ko, nang dahil sa kanila ay mas lalong gumugulo ang buhay ng mga babae!

Dumilim ang kanyang ekspresyon at nag-igting ang panga.

"Boyfriend mo 'yung kanina, tama ba?" aniya.

Napakurap-kurap ang talukap ng mga mata ko nang marinig ang tanong niya. Ito na nga ba ang inaasahan ko. Damn it!

"Why do you care?" anang ko.

Isasarado ko na sana ang pinto ngunit hinarang niya ang kanyang paa. Nagtiim ang panga ko.

"Ang ayaw ko ay iyong naiipit ako sa sitwasyong hindi ko alam..."

Ah, I get it.

I scoffed. "Nevermind that. Kaya ko na naman itong handle-in. Huwag mo na 'tong idagdag pa sa problema niyo kung nakokonsensiya ka. Asikasuhin mo na lang ang mga papeles sa bukirin ninyo," suhestiyon ko.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon