POHEO 17

3.1K 149 86
                                    

Chapter 17

Teardrop

   

Sa isang kalabit ay rumagasa ulit sa akin ang mga alaala na halos lumain na ng panahon.

Hindi ko ito inaasahan. These past few months, I thought I was already fine. Akala ko, tuluyan ko nang nabaon sa limot ang mga iyon ngunit sa isang iglap, parang kahapon lang nangyari ang lahat kung manumbalik ang alaala.

I remembered our last day together. I was so immature and naive that time that all I knew was that, I was holding onto his promises. Ang alam ko lang ay kumapit sa kanya dahil wala nang nag-eexist na kung ano at sino sa mundo na makakapagpahiwalay sa amin.

But then again, I was wrong.

Lagi na lang akong mali. Mali dahil sa aming dalawa na lang umiikot ang mundo ko. Na nakalimutan na namin ang iba. Ang mga kaibigan. Ang pamilya. At ang kanyang mga magulang.

We just woke up one day with that news. Tita Liona was dead.

"So, Jinx... What can you say na malayo na ang natahak ng inyong loveteam? To think that you're featured as the Hottest Couple of the Year!"

Parang kinukurot ang puso ko habang nakatitig sa mukha ng host. Lumawak ang ngisi sa mga labi niya na tila kinikilig din sa hiyawan ng mga audience.

Tumawa muna nang mahinhin ang babae bago sumagot.

"We couldn't have done it without the best fans we ever had. Without you, guys, I don't know. Malaki rin ang pasasalamat namin sa mga taong naging kaagapay namin sa bawat pagsubok at hakbang sa industriyang ito. God... I don't mind thanking you million of times."

Wow. Hyperbole.

Nagpakawala ito ng isang matamis na ngiti. Nilipat niya ang kanyang mga mata mula sa host, audience, patungo sa kamera.

It's like she's staring at me now with a genuine smile that reached her eyes. It bothered me. Talaga bang sinasampal niya sa akin na kanya na ang dating akin?

Nagsipalakpakan ang mga tao sa audience sabay ang pagpahid niya ng nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

"Ganda!" tilian ng dalawa kong kaibigan.

For a sec, I mentally screamed how traitor these two!

Nanatili lang sa kanya ang mga mata ko. Napakagat ako ng pang-ibabang labi.

Hindi ko mapigilang ma-insecure. Why am I so damn insecured?

Ang mahaba at straight niyang buhok ay sumasayaw sa bawat galaw niya. Natural ang kanyang mga labi na may mapupulang kulay. Mahahabang pilikmata. Ang kanyang mga mata na medyo chinita ay mas nadepina sa suot niyang manipis na eyeliner.

Hindi nakapagtataka na marami ang umiidolo sa kanya.

At hindi rin nakapagtataka kung bakit napalapit sa kanya nang tuluyan ang lalaking dati ay akin.

Napasinghap ako sa naisip. What the hell?

Bumuga ako ng hangin at naisipang umalis muna sa harapan ng TV.

"Saan ka pupunta, Coleen?" tanong ni Lorna habang nakahalumbabang nakatanaw sa akin.

Hinayaan na niyang mamahala sa TV si Wendy nang mag-commercial muna ang programang pinapanuod kanina.

"K-kitchen lang..." tikhim ko.

"What are you gonna do sa kitchen? Nauuhaw ka ba? We can ask for that... Sa maids."

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon