POHEO 39

2.9K 103 122
                                    

Chapter 39

Revelations (Part 2)

Recalling that incident, it's becoming funnier than usual.

Aaminin ko, sobra akong nasaktan nang ako pa ang pinagbalingan ng galit ni Colt dahil natamaan ko ang ulo ni Jinx. Pero hindi ba dapat, ganoon naman talaga?

Remembering that scene, I realized, he should've been more attentive just like what his character in the movie should be portraying. Sana pala, tinotoo niya na lang ang pagsangga sa bola para masaklolo ang leading lady niya. In that way, that would work and look better! Mas authentic at realistic, hindi ba?

Patagal nang patagal, mas naramdaman ko ang pagiging extra noong mga panahon na 'yon. Hindi lang para sa pelikula, pero para na rin sa totoong buhay.

Yes, I was hurt and disappointed. Mas malala ang natamo kong injury na halos dalawang linggo bago tuluyang umayos ngunit ako pa ang napang-iwanan at nabuntungan ng lahat ng sisi. But as time goes by, mas nangibabaw na sa akin ang sama ng loob. Ang galit.

Yes, I'm mad at him. Ever since the shooting was done, we weren't able to keep in touch any longer. I don't know what he's up to, but I couldn't care less right now. I'm more worried about my own feelings. It was slowly destroying me. But compared to what I suffered for the past three years, I was more determined and confident now.

Or that was just what I thought.

Kung noon, may eksplenasyon at kontekstong naiwan sa akin kahit nasaktan niya ako, naintindihan ko 'yon dahil alam kong may dahilan. But experiencing it again right now without any context? Mas lalo ko lang napapatunayan na maaari ngang tama lang na panghawakan ko ang teorya ni Thea. After all, he was justifying that unspoken prejudice through acting like this. Like I was a nobody after that girl appeared in between us.

Remembering it all made me feel like neglected and abandoned again.

Malalim akong humugot ng hininga upang ikalma ang sarili.

"Dito ka na, anak?" si Mom nang tumigil kami sa isang pintuan.

I nodded my head. "Yes, Mom. Just message me whenever you'll leave places to places."

"Are you sure you'll be alright?" paninigurado nito.

"Of course. I'm not the damsel in distress anymore."

She smiled at me and I mirrored it even sweeter. She kissed my cheek before heading on her way to the floor she's been appointed to.

Matagal ko pang pinagmasdan ang pintong nasa harap ko. I am now in front of the door to the photography studio of Smitten.

I am not sure about this idea, but Mom told me to visit the site where the pictorial for my designs will take place. Magandang oportunidad daw ito upang madiskubre ang iba't ibang mukha at departamento ng negosyo. Idagdag pa na mismong mga damit na idinesenyo ko ang ilan sa mga ibibida sa kamera doon.

Bumuntong-hininga ako at pinihit ang seradura. Napatikhim ako sa kadiliman ng malaking kuwartong iyon. Puno ng itim ang silid at nangingibabaw ang liwanag na matatagpuan sa dulo nito. Doon nakatutok ang lahat ng ilaw at walang nangangahas na gumawa ng hindi kinakailangang ingay o galaw.

I paved my way slowly to the studio. Maraming tao sa loob noon ngunit mukhang hindi pa rin nila napapansin ang pagpasok ko dahil abala ang bawat isa sa kanya-kanyang gawain.

I traveled my eyes around. Ang buong kuwarto ay pinalilibutan ng malalaking black muslin backdrop na sakop halos lahat ng sulok dito. Sa dulo nito ay ang isa pang backdrop kung saan ginaganap ang lahat ng pagkuha ng retrato.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon