FRIP 63

3.7K 110 43
                                    

Chapter 63

Posted

   

Walang pinalagpas na pagkakataon si Mr. Gustav. Tulad ng napag-usapan noon sa family dinner, he really did schedule an interview.

Ghunter chose the location though. Sa isang cafe restaurant ang napili niyang lugar para sa gagawing interview, dito lang din sa rooftop ng kanilang residential tower. Iilan lang ang tao sa banda namin at halos malalayo pa. Nasa pribadong bahagi kasi kaya medyo hiwalay sa mga tao. Glass wall at mga halaman lang ang nagsisilbing blinds namin.

Sa gitna ay ang infinite pool. Hindi naman ganoon karami ang tao. Siguro'y nasa tatlong grupo pa lang. Doon nakatutok nang kasalukuyan ang mga mata ko, parang nananabik na tumakbo roon at lumangoy. Lalo na at nakakahalina ang repleksyon ng katamtamang liwanag ng araw sa malinaw na tubig.

Hindi pa nakakatulong na mahangin. Ang lakas lang makadagdag ng marahang pagsayaw ng mga halaman sa nakakatuksong tanawin.

Kung maaari lang na yayain si Ghunter na maligo roon pagkatapos nito, baka sunggaban ko na ang pagkakataon. Kaso naisip ko, wala naman akong kahit anong swimwear sa penthouse niya. Ni dalawang damit lang ang extra ko roon. Tapos oversized pa! Iyong pinakamaliit na niya 'yon!

I looked at Ghunter with my wishful eyes. May agwat ang upuan namin kahit papaano. Sinadya kong hindi masyadong magkadikit dahil nakakahiya sa kaibigang journalist ng ama niya. Baka pa i-report iyon o ano. O kaya naman ay idagdag sa article na masyado kaming clingey sa isa't isa.

He's wearing a simple gray dress shirt and black trousers. The dress shirt was slim fit to him, tucked in his trousers and leather belt.

His bulging broad chest was very eye-catching

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

His bulging broad chest was very eye-catching. Parang gusto ko na lang masanay na ganoon talaga minsan ang suot ngunit hindi ko alam kung paano. Para atang imbes na masanay ay masisiraan pa ako ng bait tuwing tititig doon.

Medyo pormal man ngunit nakakagaang tignan ang anyo dahil sa suot na suspenders. It looked cute though. It was my suggestion! It was in a blue, white, and red linings. But with him pulling it off, parang kahit anong gawin niya ata ay ang pormal pa rin at guwapo.

"When did you first meet?"

Miss Jill Obmerga was looking more intrigued and amazed each passing questions. She's in front of her laptop and a recorder was placed beside it on the table.

Napasulyap ako kay Ghunter para sa tanong na iyon. To my surprise, he looked hesitant, bothered and some sort for that question. Hindi ko alam kung bakit. Kaya kalaunan ay ako na lang din ang sumagot.

"We're classmates since grade seven." I smiled as I recalled that day.

Her mouth formed an "O" when she didn't expect we've known each other since then. Sa sulok ng mga mata ko ay ramdam ko ang pagtanaw sa akin ni Ghunter.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon