POHEO 7

4.9K 168 125
                                    

Chapter 7

Cold

Hininto muna ang sasakyan sa pinakamalapit na fastfood chain. Sabi ko kina Yaya Jupiter na ako na ang bahala sa mga pagkain kung sa isang banyagang restaurant kami pupunta ngunit hindi niya iyon pinahintulutan.

"Lalagyan lang naman natin ng laman ang sikmura natin. Bakit kailangan pang sa mamahaling resto?" ani Romeo nang nasa sasakyan pa kami.

Kay Yaya Jupiter siya nakaharap ngunit alam kong ako ang pinatatamaan niya roon. In fairness, medyo nainis ako.

"Yaya, ako na ang bahala sa atin," sabi ko nang hindi pinapansin ang sinabi ng kanyang pamangkin.

Magsasalita na sana ang ginang nang unahan na naman siya ni Romeo.

"Auntie, ako na ang bahala. Dyan na lang tayo, Boss Chris," tapik niya sa balikat ni Manong sabay turo sa isang direksiyon.

Napaismid ako, iritado na. Siya pa ang nagpahinto ng sasakyan nang nakita ang fastfood chain. Heck. The guts this man has, huh?

Una siyang bumaba dahil siya ang nakaupo sa may pinakamalapit sa pintuan. Pinabuksan ko rin kay Mang Chris ang pinto sa side ko ngunit iyong kabila na lang daw.

Bumuntong-hininga ako.

Hinintay kong makababa si Yaya Jupiter bago ako umusog para makalabas. Iyong Romeo ay nakahawak sa pinto na parang hinihintay na makababa ang lahat. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin at tuluyan nang bumaba.

"Saan po tayo pagkatapos dito?" tanong ko kay Yaya Jupiter.

Nauna na kaming pumasok sa loob ng fastfood chain kaysa sa mga lalaki.

"Mamamalengke tayo."

"Oh!"

"Sasama ka pa ba hanggang doon? Huwag na. Magpahatid ka na kay Mang Chris. Kami na lang ni Rom ang bahala roon."

Binuksan niya ang salaming pinto para sa aming dalawa. Napanguso ako.

Iyon nga lang, biglang lumaki ang pagkakabukas ng pinto. Tinanaw ko ang malaking kamay na nakahawak doon. Napatingin ako kay Romeo na kasunod na pala namin, nagpapakitang-gilas ata. Kainis.

Napatingin din siya sa akin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin.

"Gusto ko pong sumama!" May galak na giit ko.

"Huwag na. Hindi ka bagay roon..."

Kumunot ang noo ko nang ibang boses ang sumagot sa akin.

Bakit ang hilig niyang sumabat? Did I just say he's not that bad? This is unbelievable!

Kailangan kong matandaan kung bakit ko nasabi iyon. Kailangan!

Hindi ko na maiwasang hindi mainis. Kung hindi lamang siya kadugo ni Yaya na napamahal na rin sa akin, malamang ay kanina ko pa ito nasagot nang pabalang!

"Hindi ikaw ang kausap ko," I whispered to myself tho. Can't help it.

Nakatingin lamang ako nang diretso sa likuran ni Yaya Jupiter na mas nauuna nang maglakad sa amin.

Sa sulok ng mga mata, nakita kong pinilig ni Romeo ang kanyang ulo.

"Ano 'yon, Miss Coleen?" he asked politely.

I don't know but damn, there's something in his air that's making my blood boil right off the bat!

Nilagay ko ang aviators sa tuktok ng ulo at sumulyap sa kanya.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon