POHEO 2

7.7K 231 72
                                    

Chapter 2

Meet Agnes

"WHAT THE HECK IS THE MEANING OF THIS?!"

"Hija... Hija..." Natatarantang lumapit sa akin si Yaya Mars.

Oh, my gosh. Umawang ang bibig ko. Ang isang kamay ay nakahawak sa kaliwang banda ng aking dibdib.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa maliit na bagay na nasa paanan ko. Can somebody tell me what the heck is this?!

Biglang lumipat ang mga mata ko kay Colt na halos madapa-dapa na para lang makatakbo papunta rito sa dining hall. Gulo-gulo ang buhok at nakaawang din ang mga labi sa pagkabigla, mukha pang naalipungatan mula sa idlip.

Kumapit siya sa hamba ng dining hall nang madulas siya. I see, he's already wearing a...

...stripe-colored long socks?

My forehead creased more in confusion.

"What?!" sigaw niya, may halong pag-aalala.

Tumayo siya nang maayos at pinagpagan ang PJs. Nanlalaki ang mga mata kong tinuro ang bagay na nasa harapan ko nang naalala.

"Vecinto?!" hiyaw ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya pero hindi ko siya hinayaang makaimik.

"Bakit may bata rito?! Hampas-lupa ka! Kailan pa?! Kailan mo pa ako nilolokong depungal ka?! Sinong nanay nito?!"

Magsasalita na rin sana siya, pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko siya hinayaan.

"You fool! May anak ka na pala! Sinong mama niya?!" muli kong pahabol.

Sa wakas ay mukhang ngayon niya lang ata narehistro sa utak niya ang mga pinagsasasabi ko. Mukhang nahimasmasan na. He gave me a death glare na halos ikamatay ko na talaga.

"What the fuck?" he swore in disbelief and irritation. "What's your problem with my aunt?"

Tumawa ako at nag-peace sign. So this little girl is his cousin. Inisip ko naman ang posibilidad na iyon pero dahil masugid sa paandar, hindi ko iyon ipapakita.

Bumalik na rin si Yaya Mars sa puwesto niya pagkatapos ako kurutin sa tagiliran at nakasapo na ang palad sa noo. Napalabi ako. I was just kidding! Masama na bang magbiro sa umaga?

Tuwang-tuwa akong lumuhod para makapantay ko yung maliit na batang nakatingala sa akin.

Oh, my god! She's too cute! Super bilog ng mukha! Bilog na bilog din ang mga mata at mukhang napakalambot ng pisngi–

Ghad! I'm a huge fan of cute thingamajigs!

"Hello, what's your name?" malawak ang ngiti kong tinanong si baby girl.

I gasped suddenly. Napatakip ako ng bibig nang biglang matanto na para siyang real version ni Agnes sa Despicable Me.

Aww. Kamukhang-kamukha niya talaga. Am I hallucinating or she really is?

Muli kong binalikan si Colt na nakatayo pa rin doon sa bukana. Nahuli ko siyang nakakrus ang mga braso sa harapan habang nakatingin sa amin nang may tipid na kurba sa mga labi.

Pero nang napansing tinanaw ko siya ay agad ding bumalik sa pagkakabusangot ang mukha niya.

My boyfriend looked so weary. Mukha siyang nabulabog mula sa napakahimbing na pagkakatulog. Nakonsensiya tuloy ako sa ginawa kong mga paandar sa kanya. Ano ba namang klaseng girlfriend ako? E, ano ba kasing magagawa ko? Ang sarap niyang pagtripan.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon