POHEO 25

2.8K 126 124
                                    

Chapter 25

Reunion (Part 3)

   

Kinabukasan, ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ang siyang gumising sa akin. I peeked at the clock beside the bed and it displayed it's just seven in the morning.

Wala na ang mga kasama ko, pero nanatili muna ako sa kama. Even in air-conditioned room, dama ko pa rin ang kasariwaan ng hangin. Mga himig ng ibon. Mumunting tawanan at hiyawan ang naririnig ko, bagkus, nagmumula sa bakuran.

"Good morning, Coleen," si Isaac, naabutan kong may kukunin sa fridge.

Pagkababa ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Maybe drinking some milk, too.

I nodded my head, unable to speak because of the ponytail between my lips. Nang tuluyan nang matali ang buhok ay lumapit na rin ako sa fridge. Binigyan niya ako ng espasyo.

Holding some softdrinks, he was about to leave when I spoke.

"Nasaan sila?"

"We decided to have breakfast at the backyard. Maganda ang view at... naglalaro 'yung iba," silip niya sa nakaawang na pinto. "Dalian mo. Sunod ka na don."

I nodded my head and played with my lips as I searched for milk. Hawak-hawak ang basong puno ng gatas, sinalubong ako ng maaliwalas na paligid pagkalabas ko ng backdoor.

There's a long table where they were all gathered. Pinagmasdan ko ang paligid bago maglakad patungo roon.

Wow. Kung maganda na ang lugar na ito sa hapon at dilim, halos malaglag na ang panga ko sa pagkaperpekto ng tanawin sa umaga. Katamtaman lang ang sikat ng araw. Mahinahon ang dagat sa hindi kalayuan. Sumasabay sa indayog ng hangin ang mga halaman at puno. May dalawang asong naghahabulan malapit sa may basketball court nina Allan.

Dagdag pa roon ang mga tawanan at nililikhang ingay ng mga kaibigan ko. A smile crept into my lips. This vacation isn't bad at all despite the commotions. I did not regret going here. Baka hindi ko pa mapigilan, kontratahin ko na si Allan na ibenta sa amin ang ari-ariang ito. Haha.

"Reyna!"

"Coleen!"

Kaway sa akin ng iba. Kumaway rin ako nang bahagya at tuluyan na ngang nakalapit. Agad na nahanap ng mga mata ko si Colt, katabi ni Peter at mukhang may pinag-uusapan nang naabutan ko. Ngunit umangat ang tingin sa akin nang tawagin ng iba ang pangalan ko.

Mapupungay ang mga mata niya akong pinagmasdan. Pakiramdam ko pa nga, sinundan niya ang bawat kilos ko paupo sa tabi nina Abby at Thea. Nang mailang na nang tuluyan, sinilip ko na rin siya at tama nga ang hinala.

With a straight face, he nodded his head as a sign of greeting. Nginitian ko lang siya nang halos kapusin ako ng hininga sa nakita.

Damn it. Bakit hanggang ngayon, ganito pa rin ang epekto sa akin! Hindi na ito patas.

Nagsalin na ako ng pagkain nang alukin ako ng mga kasama.

"How are you?" baling ko kay Thea.

Kagat-kagat ang toasted bread, tumingin siya sa akin nang nagtataka. "Huh? Ayos lang. Why so serious first thing in the morning, Coleen?"

She chuckled and shook her head as she continued eating. Napataas ang isa kong kilay. Okay, what the hell is this? I thought...

I shrugged the idea away. If she wanted too bad to avoid it right now, then I'd give it to her. Saka na lang kami magkuwentuhan tungkol dito nang kasama na si Abby.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon