Chapter 28
Suffocated
Shielding myself from this disastrous situation, I still managed to get back to my seat in one piece.
Seriously, just what did I suffer to make my way all over here! Hindi ko pa maintindihan ang katotohanang may mga humigit pa sa akin para lang magpa-picture. I couldn't understand the whole thing at all!
Did I just become an instant celebrity for myself? Was it really that big deal? Why make such a big fuss about this!
Naputol ang mga katanungan sa isip ko nang !akarating sa upuan ay mas lalo pa akong na-harass ng mga kaibigan!
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo at ikaw pa ang niyakap! Mapang-akit!" si Lorna, hinampas na naman ako.
"You're a damn lucky girl, C!" sabunot naman sa akin ni Wednesday.
Hindi ko alam kung kanino ko ibabaling ang pansin ko. Pareho nila akong sinasaktan! Pinilit kong alisin ang mga kamay nila sa akin at sinamaan sila ng tingin.
"It's all your fault!" mariin kong sabi.
Wala pa rin sa sarili, nilingon nila ako na para bang high pa rin sila sa lahat ng nangyari.
"It's not our fault at all! It's a blessing!" eksaheradang punto ni Wendy, tinuro-turo pa ako.
Muli akong niyapos ni Lorna at lumapit sa aking tainga nang umingay ang paligid dahil sa intermission number.
"What does he look like closely? What did you feel when he hugged you? May pores ba? Nakakaakit? Daks?"
Kumunot ang noo ko sa sunod-sunod niyang tanong. Even her questions are from zero to one hundred real quick!
"Anong sinabi niya kanina? May binulong pa siya noong ihatid ka niya pababa!" tanong din ni Wendy.
Napailing na lang ako at napapingot sa ilong. If I only knew this would happen next, sana pala ay dumiretso na ako pauwi. One thing I hate about this friendship is they're all about force and being persistent! Iyon din ang ginawa nila kanina kaya ako natawag sa stage!
"Wala iyon, okay?" Pinili kong huminahon.
"Wala!" ulit ni Lorna, hindi naniniwala sa sagot ko.
My face turned into a pokerface. "He just greet me a happy birthday. That's all."
"Iyon ba talaga? Baka naman, see you later at my pad! Iba ang tinginan talaga, e!" pagpupumilit pa nila.
Ilang beses akong napahinga nang malalim. Napagtanto kong kahit anong iwas ko, hindi talaga sila titigil hangga't hindi ko napupunan ang kalugud-luguran nila.
So by that, I decided to fill their queries even though some parts of it were exaggerated and sarcastic. Hindi talaga sila makaramdam na sinasagot ko na lang sila ng gusto nilang marinig!
I rolled my eyes heavenwards when eventually they both settled down. Dinampot ko ang aking tubig, bagay na kanina ko pa sana gustong gawin kung hindi lang sila namemerwisyo, nang kalabitin ako ni Wendy.
"Nga pala, kanina pa nagri-ring ang phone mo. Probably your high school friends," aniya habang busy na nakatutok sa entablado at mukhang naalala lang talaga iyong sabihin.
Pagkatapos uminom ay binaba ko na ulit ang bottled water. Nang maalalang hindi ko nga pala dala ang phone ko kanina sa stage, I suddenly wondered what happened to my phone and notifications and all that. And when I checked it, my eyes widened knowing it really was bombarded!
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...