Prequel 1

41.5K 692 309
                                    

Part 1
Year 2007
Nine years ago (9 years old)

Thinking about our memories before, it still feels like... it just happened yesterday...

Dahan-dahan kong nilapit 'yung ilang daliri ko sa malaking butas ng ilong ng yaya ko.

Halos magdiwang ako nang mapatunayan kong mahimbing pa ang tulog niya kaya lumabas na ako nang naka-tiptoe sa kuwarto niya, palabas ng bahay, at patungo sa tapat namin.

That was my almost everyday routine. I was nine years old back then. And Colt was my age as well.

"Colt! Cooolt! Cooooolt!" paulit-ulit na sigaw ko sa harap ng gate nina Colt.

Tumakas lang ako sa bahay noon. Maaga kasi akong pinatulog ni Yaya Jupiter kagabi kaya hayun tuloy, naunahan ko pa iyong manok sa pagtilaok.

I always do that. Especially when I wasn't feeling sleepy. I would always knock on their door. Or more like, bang their gates just for Colt to attend my immature requests and queries.

I chuckled.

Tuwing naiinis ako sa tagal niyang lumabas, parang lagi ako nakikipag-away sa tarangkahan nila, wala nang mapagbuntungan ng galit.

Nasaan na ba kasi 'yun?! Lagi na lang. Bata pa lang kami, noon pa man, ang kupad-kupad na talagang kumilos ng antipatikong iyon!

Nabalik ulit ako sa gate nina Colt. Ang tagal naman niyang lumabas! I would always think back then, Bored na si Coleen.

Heck, naaalala ko na naman ang kawawang hitsura ng nine-year-old self ko. Laging inaalipusta talaga ng lalaking iyon!

"Colt..." I whispered. Biglang lumakas ang ihip ng hangin.

Mas lumamig pa lalo. Mas guminaw ang pakiramdam ko noon, mas nagsitaasan ang aking mga balahibo kaya wala akong ginawa kundi ang ikuskos ang mga kamay at yakapin ang sarili dahil sa lamig.

"Colt. Wake up... Let me in," malambing kong sabi na animo'y maririnig niya ako mula sa loob.

Naglakad ako papalapit pa sa kanilang gate. Huminga ako nang malalim at pilit na tinataasan ang talon.

Ugh. Bakit ang taas ng doorbell nila? Iyon ang lagi kong tanong noon na para bang isang misteryo kung bakit ako isinilang na bata, dahil natural, maliit ako! It's too high that even if I jumped, I couldn't lay even a single touch!

Napanguso ako at humalukipkip. "Bakit si Colt kayang abutin 'yung doorbell? Bakit ako, hindi?! Life is unfair! So unfair!" untag ko habang may pagpadyak-padyak pa sa semento.

Tulad ko na si Yaya lang ang kasama sa bahay, ganon din ang kapitbahay ko na si Colt. I wanted to befriend him but he didn't want to.

Noon kasi, 'yung mga kasing edad kong mga batang babae, tinatarayan lang ako. Hindi ko alam kung bakit kaya naman ang lagi ko na lang na iniisip, insecure sila!

Insecures. Yeah, insecurities. That's what Yaya Jupiter kept on telling me when someone dared to bully me. She said, I should not mind them because they are bad to my heart!

Colt with his family. That time, it was almost a year since they got in the same village. Katapat-bahay lang namin sila. Naisip ko dati, baka kapag boys naman hindi ako tatarayan, 'di ba? But I was wrong - I pouted on the idea everytime I remembered it.

Kapag minamalas ka nga naman kasi, mas mataray pa siya compared sa other girls! But it was fine naman. Sa mga babae kasi at bratinela, nakakairita at nakakakulo ng dugo. While with Colt... I found it cool! Lalo na't bata pa lang ako at... medyo kulang sa pansin at kaibigan.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon