POHEO 6

5.6K 178 78
                                    

Chapter 6

Housemate

   

"I wouldn't make it tomorrow..."

Tinawanan ko siya.

"Okay nga lang! Tutal, mas masaya ka naman kapag kasama sina Ghunter!"

Tinaasan niya ako ng kilay at nirolyohan ng mata. Taray!

"Don't talk to me like that."

Napanguso na lang ako. Galit agad?

Dinaanan kami ng malamig na simoy ng hanging gabi. I tucked my arms on Colt's shirt as we looked up at the sky full of sparkling stars.

Nandito kami sa kanilang bakuran, nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan.

Tumawag ang mga kaibigan niya kanina habang nanunuod kami ng isang pelikula. Sinabing schedule raw nila para mag-gym kaya maaga siyang aalis bukas.

Well, it's fine by me. But seeing Colt this problematic makes me want to play around once more. Gustong-gusto ko talaga kapag nakikita siyang ganitong inis at frustrated nang dahil sa 'kin.

"Asus. Kunwari galit, mukha namang tuod," tawa ko sa kanya.

"Sinong nagsabing maganda ka? Mukha ka namang paa."

Nanlaki ang mga mata ko at hinambalos siya sa dibdib. He chuckled and shook his head in disbelief. Sinimangutan ko siya.

"'Wag kang mambababae ro'n, ha? Knowing that you're going to the gym with the other guys, it's shady. Paniguradong maraming magaganda at sexy'ng babae roon."

"You're also beautiful and sexy inside. I saw it with my own naked eyes." Bumaba ang tingin niya sa akin mula sa kalangitan.

Naramdaman kong parang uminit bigla ang paligid kahit patuloy ang malamig na simoy ng panggabing hangin.

"Colt!" saway ko sa kanya.

Muli, tinawanan niya lang ako at binagsak ang mabigat niyang braso sa mga balikat ko.

Speaking of which, bigla ko na naman naalala ang mga kapansin-pansin na tingin sa akin ni Ghunter simula pa noon. Tila laging may iniisip at napapailing tuwing nakikita akong napapabaling sa kanya.

I swallowed the lump in my throat. Dinistansiya ko nang kaonti ang sarili kay Colt para makaharap sa kanya.

"I have a question."

"Basta hindi tungkol sa ibang lalaki, Kuring."

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya. "Grabe naman! Does Ghunter count as another guy? He's your bestfriend."

His eyes narrowed at me. Natahimik siya nang ilang sandali bago itagilid ang ulo upang makatingin sa akin nang mas maayos.

"What about him?" sa seryoso niyang boses.

Napanguso ako at tumulala na lang sa kawalan.

"Is he okay?" I asked out of a sudden.

"Why do you ask?"

Napatikhim ako. "Napapansin ko kasing parang lagi siyang may kinikimkim. I know he doesn't talk too much like you. Kaya nga kayo nag-click, e. What I mean is, there's something in him that I couldn't figure out even after all these years."

Naalala ko na naman ang una naming enkuwentro ni Ghunter. He was a transferee before. Kasama niya si Allan noon at awtomatiko silang nakilala sa eskuwela dahil sa angking hitsura at lahi.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon