FRIP 54

2.9K 102 81
                                    

Chapter 54

Lie

Nang pauwi na ay hindi muna ako dumiretso sa mansiyon. Dumaan muna ako sa bahay nina Romeo. I don't know for what specific reason but my system was yearning for some talk. I need someone to talk to.

"Anong meron at mambubulabog ka nang ganitong oras?" si Romeo nang pagbuksan ako ng pinto.

He's in his usual undress or pambahay. Suddenly seeing him in that state made me feel refreshed and relaxed. Para bang ang bigat-bigat masyado ng mga nangyayari at natutuklasan nitong mga nakaraang araw kaya ang makita siyang walang bahid ng kung ano sa mga iyon ay nakakagaan sa kalooban.

I smiled at him faintly. Nang mapansin na ang aking histura ay mabilis na lumambot ang kanyang ekspresyon. Sa huli, bumuntong-hininga ito at kinuha ang bag mula sa aking balikat.

"Malamok dyan. Pumasok ka na rito," mataman niyang sambit saka ako hinila papasok sa loob ng bahay.

He made me a cup of milk like he always does kahit noong nasa mansiyon pa natuloy. I uttered my thanks to him and sipped on it as he settled on the couch perpendicular to me.

"Any problem?" aniya pagkatapos ng sandaling katahimikan.

Sa totoo lang naman talaga ay wala namang problema. Like I've said, it's just one of those days you wanna talk to someone until midnight to ponder and reflect for your life decisions. I'm aware I was a poor decision-maker. Katibayan ang naging mga pagkakamali ko noon at isa si Romeo sa mga totoong tao na walang takot ipamukha sa akin ang mga bagay na iyon.

Nilapag ko ang tasa sa lamesang nasa harapan namin at nilingon siya.

"Tell me, Romeo..." I blinked twice and sighed. "Do I deserve to be happy?"

Kung noon ay nakakarindi at sagabal sa kasiyahan, ngayon nama'y tila hinahanap-hanap ko ang kanyang opinyon, pananaw, at pangaral kung mayroon man.

Romeo didn't seem to expect my question. Kailangan pa niyang ayusin ang salamin sa mata at pisilin ang ilong para lamang marehistro ang sinabi.

"Of course you deserve to be happy. What made you doubt it?" marahan niyang sambit, tuluyan nang napapalagay sa daloy ng usapan.

Napailing ako at natawa nang mahina. "I just want to confirm. Maybe I was too happy that I think it's too good to be true... Para bang... hindi na karapat-dapat sa akin."

Dumaan ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin. The silence was comforting but I was startled when Romeo cut it off.

"Nasanay ka kasi na tine-take for granted noon."

Napaangat muli ako ng tingin kay Romeo nang dahil sa kanyang konklusyon. He folded his arms against his chest and his jaw obviously clenched.

"I can't blame you for doubting your happiness, Coleen. Some immature bastard treated you like shit. Almost half of your life, you were chasing for a person who made you happy because... he's happy." He shrugged. "Now that someone's making you happy no matter how it'll affect him, talaga ngang nakakapanibago iyon. Pabor man sa kanya o hindi, para lang sa kapakanan mo. Isa pa..." bitin niyang wika at sumulyap muna sa akin upang tanawin ang aking reaksiyon.

I didn't interrupt him. He smiled.

"You're questioning your worth for it because you're guilty it's too late for you to notice his sacrifices... just to plaster a smile on that face," he continued before he poked my nose. "Are you really doubting your happiness? Or are you questioning your worth for his sacrifices?"

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon