Part 5
Year 2016
Present (18 years old)Isang eroplanong gawa sa papel ang gumising sa akin mula sa nakakabagot na klaseng iyon.
Lumanding sa noo at nahulog sa tandayan ko. Kinuha ko iyon at binuklat.
'Date later?
-Baby Colt.'
Sinipat ko muna kung posible ba na mahuli ako ng prof namin bago pasimpleng sumulyap sa direksiyon niya.
Kumaripas ang puso ko nang nagtama ang mata namin.
Jusko! Sampung taon na kaming magkakilala pero wala pa rin nagbago sa tibok ng puso ko tuwing magtatama ang paningin namin! Walang kupas! Hala siya.
Hindi siya nakangiti, hindi rin naman nakasimangot.
Suplado siyang nakasandal sa kanyang upuan habang pinaglalaruan ang ballpen. Napangisi ako nang natanaw kung gaano kaantok ang mga mata niya. Well, kailan ba iyon magbabago?
Nagtaas siya ng kilay nang nahalata ang matagal kong pagtitig. Taranta akong humarap sa prof namin dahil sa makapigil-hiningang panunukso.
I groaned in disbelief. Dang! It's not really healthy!
Pumunit din ako nang dahan-dahan sa likod ng binder at nagsulat din ng sagot sakanya.
'K.
-Coleen.'
Tinupi-tupi ko iyon at bumuo ng airplane origami. Naghintay muna ako ng magandang pagkakataon, iyong hindi mapapansin ng masungit naming prof bago paliparin iyong ginawa kong eroplano sa direksyon niya.
"Oh, my gosh," I muttered and landed my hand on my mouth.
Bad move, Coleen!
Nag-peace sign ako sa seat mate niya dahil siya ang nasapul ko ng papel. Buti na lang pala at si Ghunter lang iyon!
Ghunter Ambrose Smith. Half American, that's what I thought. Isa sa mga tropa ni Colt na matagal na rin naming kaibigan since junior highschool.
Though hindi ko sigurado ang lahi. Basta ang alam ko lang ay may bahid itong banyaga. Maybe I just assumed he's a Fil-Am since he has strong foreign features na kadalasang nakikita sa Western. Papasang modelo. Ngunit dahil masyadong primitive at istrikto, I don't think he's fit on pursuing that career.
Kay Colt siguro ay posible pa. Kahit malamig at masungit minsan, hindi naman ako nagki-cringe kung iisiping nagsisi-pose at project siya ng visuals. Si Ghunter kasi, masyadong seryoso at old-fashioned in terms of beliefs and disciplinary actions. Tumayo na parang hyung ng grupo kahit isang taon lang naman ang agwat ng edad sa amin.
Kahit papaano'y panatag ang loob ko roon at mabait naman kahit mukhang suplado at istrikto.
Minsan pa nga ay kinukuwestyon ko na ang masyado nilang pagiging malapit ni Colt dahil may pagkakataong mas madalas pa silang magkasama kaysa sa amin.
Ngiting-ngiti akong nakahalumbaba at napangisi habang ang tanging iniisip lang ay ang susunod na eroplanong lalanding sa noo ko.
My seatmate poked me repeatedly, handing me a scratch paper.
Nakuha ko naman agad na para sa akin iyon kaya nagpasalamat ako at kinuha iyon. Katulad ng kanina, palihim ko iyong binasa.
'Seriously, what's with the short reply? You're hurting my feelings.
-Baby Colt.'
Hindi ko na maitago ang ngising lumandas sa mga labi. Are you kidding me, Coleen? You're too much!
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...