POHEO 4

6.7K 204 38
                                    

Chapter 4

Basketball Game

Busy ang lahat sa pagkalkal sa kanilang mga knapsack. Ang ilan ay tapos na kaya wala nang ibang magawa kundi mangulit na lang. Nangunguna roon si Wenard.

Nang matapos silang lahat ay kanya-kanya nang sakay ng mga kotse. Sa BMW ako sumakay na regalo ng parents ni Colt sa kanya nang mag-18 siya. Nauna ang sasakyan namin para i-lead sila sa dadaanan. May kalakihan ang New City Vill kaya may posibilidad na maligaw ang mga hindi nakakaalam ng daan.

Naging mabilis ang byahe. Halos palibutan na ng mga sasakyan na dala namin ang paligid ng basketball court. Buti na lang ay planado nila ito. Nabayaran na nila ang renta ng buong court sa guard kanina pa lang bago sila pumunta sa bahay nina Colt.

Tatlong bola ang dala para may reserba. Dala ko ang bag ko na may laman ng maaaring kailanganin para hindi na ako babalik sa sasakyan kung sakaling gagamitin na.

"Are you fine here?" tanong sa akin ni Colt habang inaayos ang kanyang wristband.

Tumango ako at umupo na sa isang plank na bumubuo sa bleachers. Naroon ako sa ikalawang layer at ang kanilang mga gamit.

"Yes," sagot ko at sinilip ang aking phone.

It's already 1:45 PM but Abby and Althea are still not texting me for a signal to meet them.

Napasimangot ako. Unti-unti namang inangat ni Colt ang aking ulo sa pamamagitan ng paghawak sa aking baba. Pinantay niya ang kanyang mukha sa akin. Nanliit ang mga mata ko.

"You're gonna be alone here and it's bothering me," sambit niya. Manlalamig na sana ako sa kanyang boses ngunit kumawala ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

"I'm fine here. Nasa baba lang naman kayo so what's to be bother with?" Napanguso ako, pinipigilang ngumiti.

Minsan ay nahihilo na ako sa pabago-bagong ugali ni Colt. Minsan ay masungit, biglang manlalamig, ilang sandali ay makulit, isip-bata, at pasaway, mamaya naman ay lalambing tapos magiging manyak.

Umayos na ulit siya ng tayo ngunit ang tingin niya ay nasa akin pa rin.

"What are you thinking?" Muli niyang tinuon ang kanyang atensiyon sa kanyang wristband.

"Just mentally torturing you." Humalakhak ako.

"Ah. I think that's funny," he said sarcastically at ini-stretch ang leeg.

Sinilip ko ang kanyang mga kaibigan sa baba at nakitang nagi-stretching na rin sila. Ang iba ay nabi-basic shooting na at mukhang excited nang maglaro.

"I'll join them, alright?" aniya.

Tinango ko na lang ulit ang aking ulo saka naman niya tinalon ang isa pang plank na nasa mas mababang row at tuluyan nang sumama sa mga kaibigan niya. Lumapit siya kay Ghunter at nakipag-highfive. May binulong sa kanya si Ghunter at kapuwa sila natawa. Ngunit nang ilang sandali ay lumipat ang tingin sa akin ni Ghunter at sumeryoso nang muli.

Hindi ko na iyon pinansin pa. Pero malakas ang kutob ko na mandaraya ang dalawang 'to. Beats me.

Biglang tumunog ang aking phone at binuksan ko agad ang message nang may nag-text.

Althea:

We're here!

Tulad ng napag-usapan ay agad ko silang pinuntahan sa may parke. Iilan lamang ang mga batang naglalaro. Marahil ay tirik pa ang araw sa mga oras na ito. Tuwing alas kuwatro napupuno ng mga vendor at bata ang lugar na ito kung saan ay tama lang ang sikat ng araw.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon