Chapter 34
Overdue
"Usap tayo, Coleen."
Matapos ang klase na muntik nang maantala dahil sa kaguluhan kanina, lumapit sa akin si Lorna.
"Kayo lang? Paano ako?" usisa ni Wendy nang makalapit na rin.
Bumuntong-hininga si Lorna at bumaba muli sa akin ang mga mata, tila ba nahihirapang buhatin ang sitwasyon. May bahid man ng kaba, tumayo na rin ako.
"Para ito sa groupings namin sa isang subject, e. Ayos lang ba na mauna ka na sa cafeteria, Wendy? Save us seats." I smiled.
Her lips protruded and crossed her arms. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Lorna ngunit tumango rin kahit may disgusto sa mukha.
"Fine. Bilisan niyo lang, ha?" Her eyes narrowed suspiciously.
She went to Samon and dragged him with her. Pahinga akong bumaling kay Lorna at pinagmasdan lamang siya, hinihintay na magsalita.
I know there's something bothering her. Halata iyon sa mga mata niya kanina at sa kalagitnaan ng klase't halos hindi makausap nang matino.
She started acting strange since she saw that message from Colt. Kung iyon man ang bumabagabag sa kanya, mukhang hindi ko naman matatakasan.
"Ayos lang kung dito na tayo mag-usap?" seryoso niyang tanong.
"No problem," I said casually.
Naglakad siya papalapit sa katapat na lamesa at doon umupo. Inilibot niya ang mata sa paligid, bumagsak ang balikat nang makampanteng kaonti lang ang tao at mukhang lalabas din naman. Mula sa ganitong espasyo, malabong may makarinig sa amin dahil nasa bandang sulok kami ng silid.
Napagpasyahan kong umupo na rin lang sa mesang nasa likuran ko.
"Uh... paano ba," she sighed and looked at her hands.
I nodded. "Go on. Tell me what's disturbing you."
Kahit mukhang alam ko na naman iyon, hahayaan ko na muna itong isatinig ang iniisip.
Lorna bit her lips and tucked her hair behind her ear. Umabante ito nang kaonti at yumuko para ilapit sa akin ang mukha at mahinang nagsalita.
"Tama ba ang hinala kong palihim ka nang nakikipagkita kay Cent? Matapos noong concert? Sabi ko na nga ba, e!"
My eyes dilated abruptly. Kumunot ang aking noo. Pero dahil sa reaksiyong iyon, agad na napatakip ng bibig si Lorna at hindi makapaniwalang napaturo sa akin.
"Y-You're a home-wrecker, C! Hindi ba sila na ni Jinx? P-Paanong...? S-Sino ang kabit?" sunod-sunod niyang tanong na para bang kapag hindi pa niya ginawa ay makakalimutan din kalaunan.
Napahilamos ako ng mukha. I thought this is something serious!
Mukhang tama nga ang hinala kong alam niya ang tunay na pangalan ni Colt maliban sa screen name nito dahil nakabit niya iyon kay Cent Laurel. Ngunit ang konklusyon ay malayo sa katotohanan. It's not like what she thinks!
"Oh, my god..." she uttered.
"No," iiling-iling kong sabi habang sapo pa ang noo.
Mukhang hindi ko nakayanan ang rebelasyong iyon.
"No? Pero ano iyong nakita ko!" giit pa niya.
Tumayo ako nang maayos, napapakamot sa sentido at napatango-tango. "Ano iyon?"
Lumikot ang mga mata niya at napakurap-kurap. Mukhang nagulo't nagiba ang binuong paniniwala, a? Hindi niya siguro inaasahang ide-deny ko. Pero ide-deny ko naman talaga dahil hindi totoo!
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...