Chapter 55
Baby
"Are you sure you're okay, C?" si Wendy sa pang-ilang beses na niyang ulit.
Wala sa sarili akong tumango-tango habang patuloy pa rin sa pagsalag sa mga tao.
"Yes."
I excused myself from the people blocking our way. Maingay at siksikan ang paligid kaya naging mahirap bago ako muling makabalik sa puwesto namin kanina.
As soon as I got back from our seats, I hurriedly took the bag that I left before turning around, only to be greeted by Lorna's sneer. I sighed. Nagpatuloy na lamang ulit ako sa paglalakad patungo sa daang pinanggalingan namin. Mukha na ngang iritado ang mga tao nang makitang kami na naman iyong dadaan.
Hindi ko na rin nagawang balingan pa kung ano na ang nangyayari sa stage dahil sa mga oras na iyon ay tanging ang plano lang ang umiikot sa aking isipan.
"Pwede mo na bang sabihin sa amin kung anong nangyayari?" hindi na makatiis na untag ni Lorna pagkalagpas namin sa dagat ng mga tao.
My breathing was heavy while doing that escape so now that we were able to settle down away from the crowd, I dropped my bag on the floor as I chased for my breath. Napailing ako kay Lorna at napalunok.
"I-I don't know..." I trailed off as I lay down my thoughts on my head. "That's why I need to go to... f-figure it out."
Hinabol kong muli ang aking hininga sa kabila ng mabilis na pagkabog ng aking puso. I'm aware I was panicking inside and out. Huminga ako nang malalim habang ramdam pa rin ang pagkalito sa mga kaibigan. Who wouldn't be startled though? Bigla akong nagmamadaling umalis sa hindi malamang dahilan kung kanina ay parang ayos lang naman ang lahat.
Napayuko ako at kinuha nang muli ang bag na nasa sahig. Pinagtitingin na kami ng mga tao kaya minabuti kong umayos na ng tayo.
"Saan ka pupunta?" si Lorna.
Muli akong napailing at napapikit sandali. "H-Hindi ko rin alam..."
Bagsak ang kanilang mga balikat nang iangat ko sa kanila ang aking tingin. I sighed.
What I said were all true. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari at wala rin akong ideya kung saang partikular na lugar ba dapat pumunta. Ang tanging sigurado lang ako ay ang nagbabadyang nararamdaman sa mga sandaling ito. Ang makita si Ghunter at ipaliwanag ang nangyari.
A faint image of him standing behind the crowd while silently looking around suddenly popped up into my head. Hindi ko man malinaw na nakita ang kanyang mukha ay sigurado ako sa naramdamang aura sa kanya. I know for sure... he looked indifferent but disappointed.
"We'll talk next week," ani Lorna bago ako tuluyang umalis na roon.
Napakagat ako ng labi nang unti-unting napagtanto ang nangyayari kasabay ng pag-usbong ng mga katanungan sa isip.
Bakit siya nandito? At paano niya nalamang nandito ako? At isa pa, akala ko ba ay nagpapahinga pa rin? But on top of those questions, did he realize I was just... lying?
I was messaging him earlier if where was he but until now, I don't receive any response from him. Kaya naman dahil doon ay mas lalo ko lamang nakumpirma na siya nga ang nakita kanina.
Naiiyak na ako na ewan. I planned on not telling him about this to avoid hurting his feelings. But damn it! It all went wrong and everything turned out worse! Bigla akong nilamon ng pagsisisi. Bigla kong naramdaman na mas gugustuhin ko pang paghinalaan ako sa kung ano basta't nagpaalam at naging tapat, kaysa ganito at siya pa mismo ang nakabisto sa akin!
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...