POHEO 5

6.6K 197 96
                                    

Chapter 5

Nothing Happened


"Spooner, galingan mo ang pagtago, ha?" asar ni Wenard kay Spooner na mabilis namang dinugtungan ng iba.

Kinurot ko si Wenard sa tagiliran. Humalakhak siya at tinaas ang dalawang kamay.

"Bye, Reyna!"

"Ingat kayo, Master!"

"Salamat, P're!"

"Ingat din kayo!" kaway ko sa mga lalaki.

Dinaluhan ko sila Althea at Abigail na ihahatid din ng mga boys. Si Althea at Jonathan ay mukhang may pupuntahan pa. Maybe for a date? Ihahatid naman ni Spooner si Abby tungo sa kanila. Hindi na puwedeng gumala ang huli dahil may family outing pa raw sila at mamayang gabi ang kanilang alis.Bineso ko ang dalawa at nagpaalam na rin. Bumalik na ako sa kotse namin at tuluyan nang sinara ang pinto.

"All settled?" ani Colt habang tinatakpan ang bote na ininuman niya.

"Yup!"

"Okay then."

Tumulak na kami paalis doon at bumyahe na pauwi sa kanilang bahay.

I can call this a day. Matapos ang nangyari kanina kay Colt ay marami pang nangyari. Nanalo ang Alpha laban sa Bravo. Pagkatapos ng kaonting pahinga ay binisita namin ang playground na tulad nga ng nakasanayan ay marami nang bata at iba't ibang tindero. Kumain ng street foods, dirty ice cream, cotton candy, name it. It's been a long day for all of us ngunit masaya ang bawat isa.Hindi ko nga lang alam sa lalaking kasama ko ngayon. Mukhang kanina pa uwing-uwi. Malimit lang ang mga ngiti at tawa niya kung babalikan ang mga nangyari kanina. KJ talaga ang isang 'to.

"Quit the stare, Kuring," aniya.

Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. He's not wearing his complete jersey now. Pagkatapos ng game ay nagbihis ang mga boys para hindi mabigat sa pakiramdam.

Ngumuso ako. Sumulyap siya sa akin. Muli siyang humarap sa dinaraanan namin at pinaglaruan ang kanyang labi.

"Are you happy?" tanong ko, nanatili pa ring nakaharap sa kanya.

"Fine."

"You're not happy?" Kumunot ang noo ko.

"I'm tired and I'm not happy that I am." Kumunot din ang kanyang noo.

Sumulyap siya sa likuran. Doon ko na lang napagtanto na nasa harapan na pala kami ng kanilang bahay. Pinarada na niya ang kotse pansamantala sa kanilang harapan. Ang guwardiya na raw ang bahalang magpasok sa garahe.

Humarap siya sa akin.

"Are you going to sleep here tonight?" untag niya.

Napaisip ako.

"Nope. Baka bukas na lang."

Inisip kong may gagawin pa ako. I have a blog and I decided to update it tonight. Ilang araw ko na ring hindi nabibisita iyon.

Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang kanyang pagngisi.

"I don't think so." Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang kanyang buhok.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Bumaba ang tingin ko roon.

"Kaya ba parang uwing-uwi ka na kanina pa lang?" I grinned, still looking down at his lips.

Umangat ang kanyang labi, forming it into a curve.

"You promised you'll make it up to me, baby," baritono niyang sambit.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon