Chapter 15
Back to Normal
"I'm okay..." ani Colt.
Sinimangutan ko siya. Bumalik ako sa mini ref para idampi ulit ang bimpo sa malamig na tubig.
"Giniginaw na ako," pahabol niya.
Kanina pa siya nagmamakaawa na tigilan ko na ang pagpunas sa kanya pero binabalewala ko iyon.
"Kailangan na nating makapasok bukas. Running for Valedictorian ka, Colt..." giit ko sabay balik sa upuan at pinunasan ang kanyang noo.
Minulat niya ang kanyang mga mata. "It doesn't make sense."
Hindi na ako nagsalita. It doesn't make sense? Siya itong walang saysay kausap. Kanina pa siya angal nang angal pero hanggang doon lang talaga iyon. Kung talagang ayaw niya, puwede naman siyang tumagilid o pigilan ang mga kamay ko sa pagdampi sa kanya pero hinahayaan niya lang ako.
Ano nga iyon? 'Yung tawag sa mga ganitong tao? I forgot... Usong-uso iyon, e.
A! I got it... Pabebe.
Kita ko sa sulok ng mga mata ko na nakatingin lang siya sa akin. Inalis ko ang bimpo sa kanyang mukha at tumungo sa katawan. I'm done with his arms and underarms.
Inabot ko ang laylayan ng kanyang damit nang pigilan niya ako.
"Are you really gonna take care of me or what? Chansing na iyan, Kuring..." pilyo niyang sinabi.
Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. He's impossible!
Umangat ang ulo ko at tinignan siya. Pinukulan ko siya ng matalim na tingin.
"Are you serious you want me to entertain that... 'witty' question of yours?"
Humalakhak siya. Hindi iyon nagtagal at sumeryoso rin agad.
"I'm fine. Just go and eat some breakfast..."
I pressed my lips. Dinungaw ko ang orasan at nakitang eight o'clock na.
Pinainit ko ang sopas na niluto ni Yaya Jupiter kahapon at pinakain siya. Doon ko lamang naramdaman ang gutom. Natural at wala pa akong kain kagabi.
"Okay!" pagsuko ko.
Pagkatapos kong magsalita ay bumukas ang pinto ng kuwarto.
Nagsalubong ang aming mga tingin at tila inaasahan na niyang nandito lang ako.
"Breakfast's serve..." sambit ni Romeo na bagong pasok lang.
Tinango ko ang aking ulo bilang sagot.
Lumipat ang tingin niya kay Colt na walang kibo. Blanko ang kanyang ekspresyon samantalang nakapikit lang si Colt na tila walang pakialam sa paligid. Looking at the both of them, I couldn't help but assess the situation.
Muling lumipat ang tingin ko kay Romeo nang may napansin na ako kalaunan.
"What's with the bruises?" I asked curiously.
Ngayon ko lamang napagtantong kapuwa sila may pasa sa mukha. I discovered Romeo's the moment they fetched me up yesterday. Iyong kay Colt naman, kaninang madaling-araw nang tulog siya.
What's the meaning of this?
Napamulat ng mga mata si Colt at parehas silang napalingon sa akin nang wala sa oras.
"Wala," they answered simultaneously.
What the hell? Gusto kong matawa na ewan.
Wala? Gusto kong paniwalaan na nagkataon lang ito pero dahil sa sagot nila, mas lalo akong nagduda. I knew there's something wrong between these two. Napasinghap ako.
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...