Chapter 57
Jerk
Hindi na nasundan pa ang panghihimasok ni Ghunter sa mga meeting at presentations namin.
For the past few days, he was able to take everything lightly including the idea of me and Leonardo always being together for the rest of our project. Sinabi ko naman kasing wala naman iyon. At naintindihan niya naman. He was able to reflect quickly about what he did and I was very amazed on how controlled he was with his emotions.
Iyon ang bagay na pinag-aaralan ko pa rin hanggang ngayon. And little by little, I was able to adapt to his ideologies and doctrines positively. Masyadong overwhelming kaya mahirap na hindi mahawaan sa mga kaugaliang nakikita ko sa kanya.
"I may not be able to get home early. May dadaanan pa ako pagkatapos dito," aniya isang araw sa kalagitnaan ng pagmamaneho.
"Still about the project you're working for? Akala ko ba magpapahinga muna sa trabaho? You also need to keep up with your school," medyo istrikto kong sabi.
He sighed and shook his head gently. "It's not about business or work. Wala ring dapat na habulin sa eskuwela. All is fine, sweety. Don't worry."
Ghunter smiled at me to assure me. Hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi niya.
For some reasons, muli na namang bumabalik ang pagiging abala nito sa kung ano. I know his parents' prohibition for him has not been lifted yet. Kaya naman hanggang ngayon, isang palaisipan pa rin sa akin ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw.
"Then what's that about? May tinatago ka ba sa akin?" makahulugan kong tanong.
He scoffed. "My conscience is clear."
"E, ano nga?"
"Hmmm. We're still not in an official relationship yet you're already depriving me of my privacy."
Natigilan ako at hindi nakapagsalita dahil doon. Bigla kong napagtanto ang mga nasabi ko at tingin ko'y tama nga siya. Napanguso ako at pinaglaruan na lang ang mga daliri.
"Sorry," I uttered.
Sa sulok ng mga mata ko, naaninag ko ang marahan niyang pag-iling.
"Tss. How clueless," bulong niya halos sa hangin.
Muli akong napalingon sa kanya at nakitang may bakas na ng pagkamangha sa kanyang hitsura nang dahil sa multong ngising nakaukit sa mga labi.
Pagkahatid sa akin sa mansiyon ay hindi na rin naman siya nagtagal at nagpaalam na rin agad. Nagpatuloy pa iyon sa mga sumunod na araw kasabay ng paulit-ulit kong naging routine. Dahil wala nang pormal na klase para makatutok sa finals namin ay madalas na lang ako sa bahay. Aalis lang tuwing may meet-up sa kliyente tulad ng meeting at presentations, at meeting din naming magkakaklase para sa kabuuan ng magaganap na seminar. Hindi rin naman makapagyaya kina Thea at Abby dahil kapuwa abala rin sa kani-kanilang mga gawain.
Ghunter was seemingly busy these past few weeks for whatever reason. Hindi ko na rin naman pinagtulakan pang sabihin sa akin kung ano iyon dahil bukod sa takot na maubos ang pasensiya niya sa akin, may tiwala naman akong hindi iyon nakakasama sa akin o sa amin. Kahit lagi nang gabi nakakauwi, kailanman ay hindi ako nakaramdam ng pagsususpetya at panatag naman ang loob ko hangga't napapatunayan niyang hindi siya masyadong nagpapakapagod at kumakain naman sa tamang oras.
Hindi rin nagtagal, dumaan na naman ang panibagong buwan. Mas naging busy sa school at napapadalas na rin ang mga meeting sa aming klase. Lalo na at nagkakaproblema sa paghahanap ng speakers at performers.
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...