FRIP 43

2.5K 91 29
                                    

Chapter 43

Cupid

Stay away from him.

Iyon ang tanging nasabi ni Ghunter kay Coleen habang pinagmamasdan ang lasing na kaibigan.

Colt pushed him away, unwanting to have a company that night but he insisted. Hindi mataas ang tolerance nito sa alcohol at baka pa mapahamak ang kaibigan.

He checked his phone again to see if Coleen replied but she did not. Dumiin ang pagkakahawak niya roon bago muling tumingin sa direksiyon ng kasama.

Colt's parents were on the verge of separation but Ghunter could feel that there was something missing in the context.

He cared for Colt that's why he couldn't just leave him like this until he's over. Ayaw niya nang papuntahin pa ang dalaga dahil ayaw niya nang dumagdag pa sa alalahanin ng dalaga ang kalagayan ng nobyo at baka pa masabi niya agad kung anong problema.

Wala siya sa tamang lugar para sabihin iyon sa kanya ngunit kung masyado nang komplikado ang mga bagay, he thought, it's time for him to step up again.

Colt was suffering from his parents' separation. Hindi pa nakakatulong na dalawang beses na nilang nakikita si Coleen na may kasamang ibang lalaki.

Sino nga ba ang lalaking iyon? Maging siya ay hindi rin nagustuhan ang mga enkuwentrong nakikita tuwing nakakasalubong ang dalaga na kasama iyon.

That guy was not familiar but they seemed to be so close. Matagal na silang magkakakilala ngunit ngayon lamang iyon nakitang kasama ng dalaga.

Ghunter:

Tomorrow. 11:00  AM. Hihintayin kita sa basketball court. I think we need to talk.

After a couple of days, he already decided to make a move before this could get any worse.

Coleen:

Okay. Thank you, Ghunter...

Sumalampak si Ghunter sa couch at sinandal ang ulo sa backrest noon. Pinagmasdan niya ang tahimik na kisame ng kanyang silid bago ipikit ang mga mata sa pagod at dami ng kailangang isipin, sa alok man ng magulang na mag-aral na sa pamamahala ng kompanya pagka-graduate na pagka-graduate pa lang ng senior high... o maging sa mga kaibigan.

Here he goes again. He thought he's done with this bullshit. He promised himself not to interfere anymore after that failed proposal he did for the two, since it looked like they were both happily contented without his help anymore. But what was that?

Kinabukasan ay humigpit ang kapit niya sa manibela nang ma-stuck sa kalagitnaan ng matinding traffic.

Ghunter:

Are you there just yet? I'm sorry owing to heavy traffic but I'm almost there. 5 minutes.

Dang. He's never been late his whole life. Kaya nang magkaroon ng tyansang makapagmaneho nang dire-diretso ay tumulin na ang pagpapatakbo niya ng kanyang sasakyan bago pa man mas mahuli pa sa limang minuto.

Heck, of all people, that's Coleen he's making him wait.

Kaya nang huminto sa court ay agad siyang lumabas ng kotse. Nakita niyang nagtagal ang paningin ng dalaga sa dala niyang sasakyan at kita roon ang pagkamangha.

"Ghunter..." tikhim ni Coleen.

He crouched as he touched the small back of her body the moment he got in front of her. Humawak naman ang dalaga sa kanyang balikat para umalalay bago ito nakipagbeso.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon