POHEO 16

6.2K 162 185
                                    

Chapter 16

Excuse Me

   

Year 2019

"Never, Coleen. Kahit hindi mo na hingiin sa akin ay iyon ang gagawin ko... If I leave you, it'll be the death of me."

"Ms. Allester!"

Naputol ang mga pababalik-tanaw ko nang narinig ang pangalan ko sa isang galit na tono.

It was new. Hindi ako madalas na napapagalitan ng mga professor and not to brag, but I was considered as one of the brightest students in the university.

Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa direksiyon ko ngayon at parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa. Kapag minamalas ka nga naman. Major subject ko pa ito! Damn it!

Pinukulan ako ng mataray na tingin ng aming professor bago muling bumalik sa pagdi-discuss. Medyo nabunutan ako ng tinik dahil doon. Mabuti na lang, pinalagpas niya ako sa ngayon. Crap. It will never happen again, alright!

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang tahimik na nagi-scribble ng mga notes tungkol sa lesson.

Tinuko ko ang aking siko sa desk at humalumbaba. Pumikit ako nang mariin; nakaramdam ako ng pangingirot sa loob ng dibdib. Why am I suddenly listless? I don't know. Or maybe I know... I just don't want to entertain the fact that...

I sighed.

"Coleen... Coleen..."

I'm not aware kung bakas pa ang kung anong emosyon na namumutawi sa aking mata nang lingunin ko ang katabi ko. Umawang ang aking bibig at napakurap-kurap.

"What is it?" mahina kong tanong.

Sumandal ako sa upuan at humarap ulit sa prof. I can't bear another attention again.

Mula sa sulok ng mga mata, nakita kong napakamot ng ulo si Samon, seatmate ko.

"Are you free? Later?" aniya sa mababang tono, natatakot din na atang mapagalitan.

"What for?"

"Uy, not for a date, okay?" Tumawa siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. How could he say that? I didn't even have any thing in my head to think about. What the hell?

Binasa niya ang kanyang labi.

Napangiwi ako. Sa ilang taon na pagkakaibigan, hindi ko pa rin magawang masanay sa pagka-breezy ni Samon. Lagi pa rin akong naiirita tuwing dinadamay niya ako sa mga babae niya. Maloko at pilyo. But I'm not a pushover.

Damn you, Samon.

"There are words in your eyes that I can't explain," sabi niya habang suot ang nakakalokong ngisi sa labi.

Naningkit ang mga mata niya na tila game na game na asarin ako.

Napairap ako. "Damn. You. Samon."

Humalakhak siya at humarap na rin sa aming professor.

"You got no choice but to come with me later. Tatapusin na natin 'yung group activity."

Sa harapan na rin nakatuon ang paningin ko.

"Bakit sa inyo? My house is free anytime for the activity," I suggested.

"No, malayo ang sa inyo. Kawawa sina Lorna at 'yung iba pa nating groupmates. At saka, hindi lang naman ikaw ang pupunta. Marami tayo, Coleen..." he asserted maliciously.

Namura ko ulit siya nang wala sa oras.

"Hey, you can't blame me. You're suspicious."

"Blame my face then. Ganoon talaga kapag guwapo, nilalagyan ng malisya... Kainis."

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon