Prequel 2

17.6K 478 212
                                    

Part 2

  

We suddenly halted in front of a royal blue, with a touch of gold, door.

Tumingala ako para makita ang buong kaanyuan noon. There's a tag that says "Private Room" in cursive font.

Madaming private room dito but I can definitely say that this one is the best door among them all.

"Wait mo lang ako, bebe girl. Hintayin mo ako dito, ha? Don't go anywhere."

Lumapit pa si JC sa akin at bumulong sa tainga ko, with his creepy look. "My monsters... Awuuuuuuh~"

Lumayo na ito sa akin at humawak na sa seradura at sumulyap ulit sa akin.

Parang nabuhusan ako ng isang toneladang yelo noon nang narinig ang sinabi noong bakla. There's no way that he or she or whatever, would leave me without any companion here!

"No! You're leaving with me!" matigas na sinabi ko noon habang hinihila ang laylayan ng kanyang damit.

"Huh? No, bebe girl. You cannot," nakangisi nitong sinabi at mukhang plano talaga akong takutin.

"Your grammar is so eeeww. But, anyway, just don't leave me here!" pagmamaktol ko pa at hindi ko na maiwasang ipadyak ang mga paa ko.

I didn't care kung pinagtitinginan na kami ng ibang customers dahil it's much better na rin para mapilitan si JC na isama na ako sa loob.

Ang duwag kong puso noon ay walang katapang-tapang, taliwas sa ipinapakita ko tuwing pakiramdam ko'y naaapi ako. I managed to put up a dauntless facade but behind it was a very timid me before.

Sa isip-isip ko noon, walang lugar ang mga lalampa-lampa sa lugar at sa mundong ito. Walang maidudulot ang takot at pangamba. Dapat kailangan na matapang dahil kapag nakita nila ang kahinaan mo, gagamitin nila iyon laban sayo. Iyon ang isang bagay na tinatak sa akin ng isang malapit na kaibigan dati.

Pero kung iisipin ngayon, natanto ko na... sadyang mas matapang akong mag-isip noong bata pa ako. Thinking of all the obstacles and epiphanies I'd suffer before because of my silly antics and cowardice combined, people might bet that I'd chose to bury those six feet under the ground, but no.

Rather, I'd bargain anything just to reminisce it every now and then. Because after all, those memories and past experiences served as the lessons and warning sings of what to do and what not to do, respectively.

Pumasok na kami sa loob ng pribadong silid habang buhat-buhat pa rin ng bakla kaya iginala ko ang paningin sa kabuuan nito.

As I thought, maganda rito. Ang ilang salamin ay pinalilibutan ng maliliit na bumbilya, iyong parang madalas na ginagamit ng mga professional artists!

Mga vanity mirros and tables. At syempre, kompleto rin sa accesories at mga gamit ang bawat tukador. Nakita ko pa nga ang ibang magagarbong damit na nakasabit sa isang open-cabinet, e.

Sa hindi kalayuan, may narinig kaming mga taong nag-uusap. Doon ata iyon sa loob ng curtain divider kaya naglakad kami (I mean, si JC) upang makapasok doon. At may narinig kaming dalawang tao na abala sa pag-uusap.

The moment we entered that smaller room, napanganga ako sa nakita ko! Isang babaeng nasa mid-20 ang edad. At si. Oh my gosh! It's Colt, atlast!

He looked so cool especially when he's serious, as if he's very determined to do something and kill it.

"Uyy." Sabay kiliti sa tagiliran ko. "Kinikilig ang puwet ni Bebe Girl sa kanyang prince charming. 'Wag umihi. Baka nakakalimutan mong kalong pa kita," panunukso sa akin ni GayC.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon