POHEO 11

4.1K 152 59
                                    

Chapter 11

Reasons

Lumabas lang ako sa kuwarto nang sumapit na ang oras na pinakahihintay ko.

Alas onse ng tanghali at tahimik ang pasilyo ng second floor.

Walang mga katulong at wala rin si Romeo. It's Sunday kaya hindi na ako magtataka kung wala halos tao rito sa bahay ngayon. Laging nagsisimba sina Yaya Jupiter at sa mga ganitong oras ay madalas silang wala.

Nag-vibrate ang hawak kong phone. Nagmensahe si Ghunter.

Ghunter:

I'm on my way.

Humugot ako ng malalim na hininga.

Ano man ang mapag-usapan namin pagkatapos ng araw na ito, sana makatulong 'yon para maayos namin ang relasyon namin ni Colt.

Dumako ako sa kusina at hindi ko inaasahang maaabutan ko si Romeo na nakaharap sa bintana habang may kausap sa kanyang phone. Hawak niya ang isang shot glass at may laman iyong alak.

Napataas ako ng kilay. Anong meron at umiinom siya nang tanghaling tapat?

"Talaga? E, si Popoy?" sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya.

Tumawa siya sa kung anong sinabi ng katawagan. Tila hindi pa rin napapansin ang aking presensiya kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng tubig.

"Miss ko na rin kayo. Miss na kita..." Pahina nang pahina ang kanyang boses.

Sumandal ako sa sink at humarap sa kanyang direksiyon habang umiinom ng tubig.

Halata sa kanyang boses ang pangungulila. So I started thinking, who could that be?

Napagdesisyunan kong hintayin na lang munang matapos ang tawag para makapagpaalam ako nang maayos kay Romeo.

Isang matamis na 'I love you too' ang huli kong narinig sa kanya bago niya ibaba ang phone. I could say na hindi niya pa rin ako napapansin hanggang ngayon.

Iniling niya ang kanyang ulo at nilagok ang natitirang alak sa kanyang shot glass dahilan upang mapansin na niya ako.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha na parang hindi niya inaasahang makikita niya ako. Pinagkrus ko ang aking mga braso at tumango, senyales ng simpleng pagbati.

"Kailan ka pa nandyan?" tanong niya.

Naglakad siya papalapit sa akin at nilapag ang baso sa sink.

Umusog ako nang kaonti. "Kani-kanina lang," pagsisinungaling ko.

Tumungo siya sa may high chair at umupo roon, nakaharap sa akin. Tinungkod niya ang siko niya sa counter.

"Who's that?" nagtataka kong tanong.

Tinaas niya ang kanyang phone at ipinakita sa akin. Pansin ko ang pamumungay ng mga mata niya na malamang ay dulot ng alak.

"That's Julie. Dapat ay naipakilala kita nang maayos kung alam kong nandyan ka pala. Nobya ko si Julie sa probinsiya."

Hindi ko napigilang magulat sa narinig. Akala ko wala siyang girlfriend! What the heck?

"Girlfriend mo sa probinsiya? May iba pa ba sa ibang lugar?"

Humalakhak siya. "Siya lang ang girlfriend ko, Coleen..."

Looking at his eyes, he must be freaking serious. Hindi ko alam ngunit bigla akong nahiya sa sarili ko.

All this time, I thought he's hitting on me. That I got his interest. Ang kapal ng mukha kong mag-assume!

Oh, my God! Just thinking of it embarrassed me!

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon