FRIP 45

2.6K 92 52
                                    

This is the last chapter for their flashbacks. The next chapters will be the continuation of Chapter 40 in their present timeline. Thank you!
--------------------------------------------------

Chapter 45

STS

"Mr. Fabian suddenly stopped his studies for personal reasons and we couldn't do anything about it. Dikit ang scores ninyo kaya ikaw ang kinakausap ko ngayon."

Kasalukuyang nakadekwatrong nakaupo si Ghunter sa harapan ng kanilang principal at diretso lamang na nakatingin dito.

"Malayo ang agwat ng general average score mo kay Navarro kaya ikaw ang tututukan namin, Mr. Smith," ani principal sabay ayos ng kanyang salamin.

Marahan siyang tumango kahit ang totoo'y hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ang titulong tinutukoy ng kausap.

"Maintain your grades and you'll surely get the valedictory address at the commencement exercise."

He sighed. "Alright, I get it. Don't worry."

Sa totoo lang ay hindi pinagtutuonan ng pansin ng binata ang tungkol sa ranggo kumpara sa kaibigan nitong si Colt na ang tingin sa kanya ay kompitensiya dahil dedikadong makamit iyon.

And because he saw how Colt dedicated his effort to become the valedictorian, Ghunter then decided to step back in order to give the honor to his friend. Tutal naman ay hindi masyadong mahalaga iyon sa kanya ay pinaubaya na niya sa kaibigan.

Ngunit dahil nangakong susungkitin niya iyon sa kapakanan nito ay tingin ni Ghunter, dapat na niya itong seryosohin. Malaki man ang agwat ng grades nila ni Navarro ngunit hindi maaaring makampante lalo na't nakikitaan niya iyon ng determinasyong maagaw ang unang ranggo mula sa kanya.

Pagkarating sa classroom ay mabilis nahanap ng mga mata niya si Coleen na mukhang hindi maganda ang kondisyon. Nakatulala lamang ito sa bintana at mukhang malalim ang iniisip.

Ilang buwan na lang at malapit nang matapos ang semester, kasabay noon ang graduation mula sa senior high. Dahil doon ay binabatuhan na sila ng mga prof ng mga gawain at parami na rin nang parami ang mga graded activities.

It was one of the hell months for the students. Kaya tuwing tumutunog ang bell ay nakakahinga nang maluwag ang mga estudyante sa paglabas ng silid. Maliban na lamang kay Coleen.

Tahimik itong umangat mula sa kanyang upuan at matamlay na dinampot ang mga gamit. Nakatayo lamang si Ghunter sa kanyang puwesto habang sinusuot ang bag at pinagmamasdan ang kilos ng dalaga.

Was it because of the bullies? May ginawa na naman ba sa kanya ang mga estudyanteng iyon kaninang umaga kaya ganoon ang kalagayan ni Coleen?

Nang lumabas na ito sa kanilang room ay sinundan niya ito sa paglalakad. Sinalubong ang dalaga ng mga kaibigang naghihintay sa paglabas nito kaya nagsimula na silang maglakad.

Nagpaalam kanina sina Allan at ang iba pang mga kaibigan na tatambay sa library kaya napagdesisyunan na lang ni Ghunter na bantayan si Coleen.

Sa mga nagdaang linggo ay nagpatuloy ang ibang mga estudyante sa pambu-bully rito at nasaksihan niya ang ilan sa mga iyon kaya simula nang makauwi siya sa bansa ay tinututukan niya ang dalaga.

Tahimik lamang na sinusundan ni Ghunter ang tatlo sa katamtamang distansiya. Sapat lang para mabantayan si Coleen at tama lang para hindi pagsuspentyahan ng mga nakakakita. May ilang mga bumabati ngunit tango lamang ang kanyang sinusukli sa mga iyon.

"Look who's here," isang gasgas na litanya mula sa apat na babaeng humara sa kina Coleen.

Ghunter crossed his arms as he stepped to his side and he secretly watched the scene.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon