Chapter 9
Be with Me
"Wala si Auntie..."
Nilingon ko si Romeo na huminto sa pagkain sa dining room at napatingin sa akin.
"Namalengke siya kanina. Baka pauwi na rin..."
Tinango ko lang ang aking ulo at uminom ng tubig.
My yesterday was a nightmare. Pakiramdam ko ay hindi totoo ang lahat ng mga nangyari dahil hindi kapani-paniwala. Ayaw ko ring isipin na totoo. Parang binibiyak ang ulo ko at gusto ko na lang munang mamanhid ngayong araw.
"Kumain ka na. Hindi ka na bumaba kagabi..." aniya.
Tanging ang pagbangga lang ng mga kubyertos niya sa pinggan ang tunog na maririnig sa buong silid.
Hindi ako sumagot.
Nilapag ko ang baso sa lamesa at tumalikod na ulit. Ngunit bago pa man ako makalayo nang tuluyan sa dining room ay narinig ko ang pag-usog ng upuan sa tiles.
Napamura si Romeo at hinigit ako sa aking braso nang habulin niya ako.
"Kakain ka," he said with authority.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Who are you to command me? You're not the boss of me, Romeo."
"And you're the boss of yourself? As far as I know, breakfast is the best meal of the day. You are gonna regret skipping one of the best thing in the morning."
"You're nonsense. You know it, right?"
Halos mapamura ako nang sapilitan niya akong hilahin sa hapag at paupuin doon.
"What the fuck? I said, I don't wanna! Hustisya naman! Broken hearted ako!"
Napayuko siya sa tapat ng mukha ko at natawa nang narinig ang sinabi ko. What? I'm a clown now?
"You might not want to get a broken tummy, too, Señorita. Stay there, I'll prepare your food..."
Tinalikuran niya ako at nagtungo sa kusina. Napairap ako.
Muli akong tumayo paalis.
"Stay there!"
Wala na akong nagawa kundi ang bumalik na lang ulit. Hindi dahil sa sinabi niyang manatili ako ngunit dahil kumalam na ang sikmura ko.
I'm hungry.
Halos wala akong nakain kahapon sa tanghalian at hindi na ako bumaba kagabi para maghapunan. Ngayon na lang ulit ako kakain.
Bumalik siya nang may dala nang tray. Nilapag niya ang pagkain sa harapan ko. Nakita ko ang garlic rice, hotdogs and omelette sa iisang plato.
Napalunok ako.
"What's in this?" Sabay tusok ko sa omelette.
Umupo na ulit siya sa puwesto niya kanina at sinabayan ako sa pagkain.
"Itlog na may giniling. You try it. 'Yan ang paborito ng mga kapatid ko sa probinsiya kaya gamay ko na ang ulam na 'yan..."
Sumubo ako nang isang beses. Sumabog sa bibig ko ang masarap na lasa ng omelette na iyon. Kahit simpleng dish ay nakagawa niyang pasosyalin! Nice!
Hindi na ulit ako nagsalita pagkatapos noon. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain. Siya ang nagluto ng lahat ng ito. Kahit medyo masama pa ang loob ko sa kanya ay isinantabi ko na lamang muna for the sake of my stomach.
Sa sobrang bilis ata ng pagkain ko ay hindi ko inaasahang mabulunan. Pinukpok ko ang aking dibdib. Shit.
Napalingon sa akin si Romeo at bahagyang nataranta ang ekspresyon nang hindi niya inaasahan.
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...