FRIP 53

2.9K 130 92
                                    

Chapter 53

Dreams

  

Sa nanginginig na mga kamay at tuhod, nagawa kong magmadali patungo sa aking sasakyan habang nagtitipa ng mensahe sa sekretarya.

Me:

What hospital? I'm on my way.

Hindi nagtagal ay natanggap ko na ang mga detalye kaya naman kumaripas na ako ng takbo patungo sa aking sasakyan, hindi na alintana ang mga luhang nagbabadya nang pumatak.

Having a preoccupied mind while driving may be wrong but nothing can stop my river of thoughts from flowing. Tuwing may namumuong luha ay agad kong pinapalis,hindi dahil takot na lumabo ang paningin at mabundol, kundi dahil takot na hindi makita si Ghunter sa lalong madaling panahon.

Pagkarating sa address ng ospital na sinend sa akin ni Dorothy ay mabilis akong pumanhik sa lobby. Agad kong napukaw ang atensiyon ng mga nurse doon dahil marahil sa aking paghihikahos na lumapit.

"A-Ambrose Smith," hinihingal kong sambit hindi pa man tuluyang nakakalapit sa desk. "Room of Ambrose Smith. Can you tell me?"

The male nurse's eyes widened as if the name rang a bell. Hindi na kailangan pang tumingin sa kanilang monitor dahil mukhang alam na alam kung saan ang silid na tinutukoy ko.

"Room 406, Miss. Fourth floor. You can use the elevator po," he instructed immediately.

I uttered my gratitude and with no wasted time, I strode my way to the elevator.

Magkasalikop ang mga nanginginig kong kamay sa harapan ng aking dibdib habang nilalakad ang pasilyo. Kung kanina'y halos liparin ko na ang daan patungo rito ikaapat na palapag, animo'y naglalakad sa buwan ang paglalakad ko sa sobrang kupad nito.

I swallowed hard when I reached the room 405. Nasa dulo ng pasilyong ito ang silid kung saan naka-admit si Ghunter at kahit hindi na tignan pa ang mga room number, mabilis iyong makita dahil sa mga bodyguard na naka-duty sa gilid ng pinto noon. Kung kailan ang lapit-lapit ko na, saka ako halos hindi makahakbang nang maayos.

Ngayon lamang sumagi sa isipan ang mga tanong na hindi ko magawang maisip kanina buhat ng pagkakataranta.

What if he's mad at me? I was ignoring his calls and messages before he passed out. I was worried, nervous and frightened at the same time. Bakit nawalan ng malay kung gayong hindi naman ako nagkulang sa paalala na huwag masyadong sagarin ang sarili sa trabaho!

I bit my lower lip as I halted in front of the bodyguards. Hindi ko naman alam na kailangan pa pala silang kausapin nang akmang kakatok na sana ako sa pinto ngunit hinara ng lalaking nasa pinakamalapit sa hamba ng pinto ang kanyang kamay kaya nabitin ang sana ay pagkatok ko.

"Teka, Miss. Sino sila?" bruskong tanong nito sa akin.

Napataas ang kilay ko at binaba ang kamay. The small window of the door was covered with curtain inside so I wasn't able to peek.

I sighed and faced the bodyguard.

"I'm Coleen Allester," I emphasized my last name that I do once in a bluemoon whenever convenient. "I would like to visit Ambrose Smith... Can I enter?"

Akmang magsasalita pa sana ang guwardiya nang kalabitin siya ng katabi at may binulong. Muling bumalik sa akin ang tingin ng kausap na guwardiya at biglang lumambot ang ekspresyon, nagmukhang magalang na ngayong humarap muli sa akin.

Umayos siya ng tayo at tumango. "Pasensiya na po. Kayo pala, Miss. Hinihintay na po kayo nina Madam Stella sa loob," yuko nito. "Pasensiya na po ulit."

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon