POHEO 10

5K 155 96
                                    

Chapter 10

Video Game

   

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para makaalis na kami agad.

Alas dose ng tanghali at tirik na tirik ang araw. Kinuha ko ang aviators sa loob ng sling bag at hinanda na iyon sa aking ulo.

Naabutan ko si Romeo na nanunuod sa sala ng TV habang hinihintay ako. Kung ano man ang pinapanuod niya ay hindi ko alam. Nakakunot ang kanyang noo at nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Doon ko na naman napansin ang nunal niya. It's iconic.

He's wearing a dark green button-down shirt and maong pants. Ang mahahabang manggas ng kanyang baro ay tinupi hanggang siko.

I winced. It looked so tight for his body. Hindi ko alam kung sadyang maliit ba sa kanya iyon o masyado lamang malaki ang katawan. Either way, I think I don't care.

Dinirekta ko sa ibang bagay ang aking paningin nang iangat niya ang tingin niya. Nilingon ko siya na kunwari ay ngayon ko lamang siya napansin.

Inabot niya ang remote at pinatay ang TV bago tumayo sa couch. Tinanguan niya ako.

"Saan si Yaya?" tanong ko nang nakababa na ako nang tuluyan.

"Nasa kuwarto pa at nagpapahinga. Ako na ang magpapaalam; hintayin mo ako sa garahe."

I nodded my head.

Iyon nga ang ginawa ko. Tinanong ko kay Mang Chris kung ayos lang ba na maabala siya ngayong araw para ipagmaneho kami.

"Nako, Ma'am! Oo naman, ano. Mas mabuti nga 'yon kaysa wala akong ginagawa. Iyon naman talaga ang trabaho ko kaya huwag kayong mag-alala..."

"Okay! That's good, Manong..." Nginitian ko siya.

Naghanda na si Mang Chris ng sasakyan at ng mga kakailanganin. Nagawa niya pang magbihis kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang dalawang lalaki.

Naunang dumating si Romeo. Binuksan niya ang sasakyan at bahagyang umuga ang seat nang umupo siya sa aking tabi.

Umusog ako nang kaonti para hindi kami masyadong magkadikit. Sinara na niya ang pinto sa gilid niya.

Awkward silence. Kaya kinuha ko na lang bag ang phone para pansamantalang maglaro ng games doon.

Well, I don't usually play games on my phone but this time, it is another story. Buti na nga lang ay may natitira pang laro dito dahil akala ko ay na-uninstall ko na rin lahat. Napagsawaan ko na lahat ng games na noon ay nakakatuwang laruin.

May mga bagay pala talagang makakakuha ng atensiyon mo sa umpisa. Na akala mo ay magtatagal ang interes mo dahil kapana-panabik siya sa simula ngunit hindi mo aasahang sa sobrang kaadikan ay magsasawa ka rin. Doon mo matatantong wala naman pala itong kuwenta sa buhay mo.

Napabalikwas ako nang kaonti nang hindi ko namalayang game over na pala. Natawa ako sa sarili.

Imbis na umulit ay in-exit ko na ang app at nag-music na lamang. Kinabit ko ang aking earphones sa tenga ko sabay sandal.

Napapikit ako.

Sino bang binibilog ko?

Kahit ano sigurong gawin na paglilibang sa sarili ay naiisip ko pa rin ang mga kilos ni Colt. Ang sinabi ni Ghunter sa akin na layuan ko ang kanyang kaibigan at ang hindi paggawa ni Colt ng paraan upang maayos namin ang relasyong ito.

Parang pinipiga ang puso ko. Natatakot ako na baka isang araw, magpakita na lang siya sa akin at makipaghiwalay. Alam kong... hindi ko kakayanin. I don't think so.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon