FRIP 48

2.7K 108 32
                                    

Chapter 48

Look at Me

Una kong napansin sa ibaba ay ang mga kasambahay na tila napatigalgal mula sa kani-kanilang mga ginagawa habang nakatutok sa tv.

A morning talk show from a popular tv station was airing and they seemed so engrossed with it.

"The showing of their upcoming movie is getting closer day by day! And to hear their behind the scene preparations, let's welcome, Jinx and Cent Laurel!"

Pagkababa ay umiwas ako ng tingin at sa abot ng aking makakaya, hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay para lang hindi mapukaw ang atensiyon nila. Ngunit bago pa man ako makapasok sa dining area, biglang nawala ang ingay mula sa living room at nagpatuloy ang tunog ng mga gawain.

"Sorry, Señorita!"

I bit my lower lip as I strode my way to the kitchen.

Umagang-umaga, binubugnot ako dahil kulang ang tulog at hindi pa naging maayos ang gising ko! Kaya naman habang nagtitimpla ng kape ay bahagya akong napapahilot sa sentido.

Damn it. I knew very well why I was suffering like this so I whimpered.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain, tumunog ang phone ko at nakita ang mensahe na bagong dating.

Ghunter:

Morning.

I exasperatedly exhaled a breath as soon as I read the message. Kahit na may gumapang na kung ano sa aking sistema ay pinili kong huwag tumugon sa mensaheng iyon at padabog na nilapag ang phone.

My class starts at twelve noon so I still have plenty of time to spare. I was done with all the homeworks so when I finished my food, I decided to go for a jog or just a stroll around the village. Biglaan kong hinanap ang ganoon kaya hindi ako masyadong nakapaghanda.

I changed into my sports bra, drifit clothes and shorts. I even wore a headband to prevent my baby hairs from spreading all over my face and the rest into a tight bun.

Pagkababa ay sakto namang nagsimula ang ingay sa may receiving area at sumalubong sa akin ang nag-aalalang hitsura ni Romeo.

"Where's Coleen?" rinig kong tanong niya sa isang kasambahay.

My face furrowed in puzzled and I cocked my head as I set my earphones to my ears. Hindi pa man nakakasagot ang tinanong niya ay agad na niyang natanaw ang pagbaba ko.

He immediately strode his way towards me and grabbed my wrist. "Where are you going? Ano, ayos ka lang ba?"

Puno ng pag-aalala ang kanyang mata at saka ko lamang napansin ang corporate attire niyang nabitin ata ang pagkakatali ng necktie. Hindi pa rin ayos ang medyo basa pang buhok ngunit mukhang hindi iyon ang mahalaga sa kanya ngayon.

"What are you talking about?" I asked curiously. "May dapat ba akong problemahin?"

Romeo looked at me like I was a complete stranger, very unfamiliar with my question.

"Okay, seriously. What's the matter?" I asked impatiently.

Umiling ito nang dahan-dahan at napabitaw na rin sa aking palapulsuhan. Mayamaya pa, bigla siyang humalakhak, tila hindi makapaniwala sa mga eksena.

He whispered a cursed before looking at me. "Wow. This is new," he stated amusingly.

Nagsalubong na ang kilay ko. "Ano ba iyon, Romeo?"

"Nevermind. Mas ayos na iyan. Hmm. False alarm," he paused meaningfully before stepping backwards. "Jogging?"

I arched my brow. "Obviously."

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon