Chapter 60
Purple
Habang hila-hila ni Ghunter, hindi ko maiwasanang mag-alala para sa kalagayan niya.
He's not wearing any disguise. Ang suot niya lamang ay tanging ang preskong white polo shirt. Naka-tuck in iyon sa brown khaki shorts niya na tinernuhan naman ng white sneakers.
He didn't bother to wear the aviators hanging on his collar. But on the second thought, I think it won't be of help, too. Kahit siguro suotin ay hindi pa rin patitibag ang mga tao sa paninitig dito.
Lenon and Kenneth were obediently following us behind. Kinagat ko ang labi ko at napatanaw sa seryosong mukha ni Ghunter. I'm afraid I'd drag his name down with me if this continues. Lalo na at mukhang malinaw na malinaw sa mga taong nakakakita kung sino ang kasama ko ngayon. Ang batalyon pa sa likod namin ay hindi pa nakakatulong upang sugpuin ang atensiyong nakukuha. But seeing the man holding my hand at this moment, I guess it's not what's important for him right now.
Nang mabilis na nakarating sa parking lot ay natanaw ko na ang kanyang SUV. Agad na dumalo si Kenneth sa bandang passenger seat. Pinagbuksan ako nito ng pinto. Walang imik at masunurin akong pumasok doon bago isaradong muli ang pinto.
I rested my head on the backrest a bit. Akala ko ay papasok na rin si Ghunter sa loob ngunit nang isarado niya rin agad ang pinto sa backseat nang ilapag doon ang bag ko, naglakad ito patungo sa dalawang bodyguard na naghihintay pa pala sa kanya.
I closed my eyes when I suddenly felt how exhausting that incident was. Hindi ko inakala na sa ganoong paraan ko pa maaabot ang kasukdulan ng pasensiya ko sa kabila ng mga nangyayari.
Minulat ko ang mga mata at binalikan ang naging enkuwentrong iyon. Unconsciously applying Ghunter's meditation, I was able to quickly reflect about my actions. Natanto ko na sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon ko lang naipaglaban ang sarili ko nang ganon. I was being bullied and verbally maltreated going back to my childhood days and especially, to my secondary school experience. But even once, I couldn't managed to fight back. Or to even defend myself. I was a weak-hearted girl behind this resting bitch face. And even until then, I was a coward. But not until today.
I realized it felt victorious. Despite my reaction out of violence, have I gone mad if I say... it was kind of relieving?
I dropped my eyes on my hands and bit my lip. So this is how it feels like, huh?
Mula rito ay tanaw ko ang likuran ni Ghunter na abala ngayon sa pakikipag-usap sa dalawang bodyguard.
Nakahalukipkip ito. Kahit nakatalikod, parang kabisado ko na ang bawat galaw na ginagawa ng kanyang labi tuwing nagsasalita. Ang pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay kung sakali mang may hindi nagustuhan sa sinabi ng kausap. Mula sa anggulong ito, mukhang may nilalahad na naman itong bagong utos sa dalawang kaharap.
I saw a smirk on Lenon's face suddenly. Napatikhim ako nang napunta sa gawi ko ang paningin nilang dalawa ni Kenneth habang napapailing si Ghunter. Mas lalo lang lumawak ang pilyong ngisi ni Lenon at mukhang nagpaalam na rito.
I learned that they're going to drive my cabriolet when they walked towards it. Samantala, papalapit naman si Ghunter dito.
Nang bumukas ang pinto mula sa driver's seat, awtomatiko akong nanigas sa kinauupuan ko, takot na maagaw ang kanyang atensiyon at mapuna ako.
My tears were now dried off. Sino ba namang hindi matitigil kung bigla-biglang may susulpot para itakas ka sa ganoong sitwasyon, 'di ba? At bakit siya basta-bastang pumunta rito nang walang disguise? People might gossip about it again! Me being a flirt or some kind of a gold-digger!
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...