FRIP 61

3.3K 136 75
                                    

Hi! Sorry if I have to make some changes with the bookcover again. Please bear with me. I decided to incorporate FRIP's cover to my other novels' cover style as well. In this cover, I would like to give Ghunter the chance to be featured in his own story so here you go.

Hope you like it!--------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hope you like it!
--------------------------------

Chapter 61

Smitten

   

It's been just a couple of years since I last saw Yaya Mars.

I could still remember her face clearly. The bright smile that was always complementing her wrinkled laughing lines and her cheerful personality that could light up the whole street. Kaya naman, ang muli siyang makita sa loob ng ilang taon ay tila napakatagal na panahon para sa akin.

Sa sobrang galak na nararamdaman, pansamantalang nawala sa isip ko ang cocktail dress na suot. I knew that our house was just meters apart from here but I couldn't trade that little time I'd spent changing clothes to this very special moment.

Walang sinayang na oras ang sino man sa amin. Yaya Mars led our way inside the mansion. Si Ghunter nama'y nakasunod lang sa amin. Tahimik lang ito at hinayaan akong namnamin ang bawat sandali and I silently thanked him for that thoughtfulness.

I learned that the caretaker of this mansion was upstairs. According to Yaya, she let her use the space during her stay and make herself comfortable. Ngunit nang nakapasok na nang tuluyan, pansin ko pa rin ang taimtim niyang pagpasada ng paningin sa kabuuan ng mansiyon, animo'y kay daling kalimutan at kailangang kabisaduhin ang bawat bahagi hangga't maaari. And for some reasons, it made my heart ache.

Though, she's not alone. Dahil nang nakapasok ay hindi pa rin maiwasan na libangin ang sarili mismo sa pagtanaw sa kabuuan nito.

I clang my arms to Yaya Mars' arm, almost hugging it. I missed her so much that I'd feel empty again whenever I don't feel her body warmth at that moment.

"Kamusta ka na, little Coleen?" si Yaya Mars.

Agad na namang nagbadya ang mga luha. Ewan ko ba. But I feel so soft now that she's here. I wouldn't be surprised anymore if every word she says could make me cry.

"Uhm... ayos naman po. Kahit papano," I answered in a croaking voice.

Nasa bandang living room na nang tumigil si Yaya sa paglalakad at humarap na sa akin. Bumuntong-hininga siya. Inangat niya ang kabilang kamay. Habang yapos pa rin ang kanyang braso, inabot niya ang ulo ko at hinaplos ang aking buhok.

"Nabalitaan ko nga ang nangyari," she smiled weakly.

Napayuko ako at mabilis na pinalis ang sariwang mga luha nang palihim. I tried to laugh. But in the end, it went out being a quaked one.

"Sikat na po ang mga alaga niyo, e," I said jokingly.

I tried pulling off a joke as I continued laughing. Ngunit habang tumatagal at tumatahimik, unti-unti ring naglaho ang mga tawa kong pilit.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon