FRIP 62

3.7K 156 93
                                    

Chapter 62

Smiths

  

Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na rin namin pinatagal ang pictorial. Nakuntento na roon si Ghunter.

Everybody is now busy packing up their things. Samantala, kahit hapit ang aking bewang, abala si Ghunter sa kabila niyang gilid upang pakinggan ang mga ulat ni Ruthy.

Nasa hamba na kami ng pintuan nang pagmasdan ko siya sa paglalakad. As usual, he's in his business attire. Tuwing may meeting ay ganoon talaga. He could wear disguise but he never failed to change his outfit into a formal one.

I grinned to myself. This guy. Gusto ata ay laging mukhang nakakatakot.

But then, I couldn't deny that whatever clothing he wears, he always look so damn fine. Lalo na ngayon sa kanyang white dress shirt, striped white and blue necktie, black coat and trousers, para bang sa isang business magazine ang mga kuha sa amin kanina. Although I looked like his chimay even with this presentable dress and stilettos, animo'y lagi akong simpleng tignan tuwing katabi siya.

"Ambrose, wait!"

We stopped on our tracks when someone called for his name. Nilingon namin iyon at nakitang nagmamadaling lumapit si Jean Lixie.

She was followed by Colt from behind. Binigyan naman sila ng daan ng batalyong nakasunod sa amin nang senyasan ni Ghunter.

Nakalabas na kami sa establisyimento nang mga sandaling iyon. Tumabi kami pansamantala sa mini garden na naroon para hintayin ang dalawang artistang papalapit.

"Can we talk?" si Jinx nang tuluyan nang huminto sa harapan namin.

She's looking at Ghunter. Nang bumaba sa akin ang tingin ng huli ay napabaling na rin sa akin si Jinx. Napatikhim ako.

"I-I'll just wait for you in the car then," sabi ko.

"No. Just wait for me here. Ruthy," baling niya sa sekretarya. "Please accompany her first. This won't take long, right?" huli niyang sambit nang bumaling kay Jean.

The latter looked startled, para bang bawat pansin sa kanya ay nakakagulat.

"Uh... yes. It'll be quick." She smiled timidly before gazing at me.

Marahan lang akong tumango. Nilahad na ni Ruthy ang kanyang kamay sa akin nang kompormahin ang utos. Ngunit dahil hawak pa rin ni Ghunter ang bewang ko ay napatingin ako sa kanya sabay hawak sa kamay niyang naroroon pa. He licked his lips, nodded, and kissed the side of my head before letting me go. Napangiti naman ako roon. Hindi ko alam pero awtomatikong napatanaw ako kay Jinx na nahuli ko namang ilang sa kanyang puwesto.

"Let's go, Ruthy," I finally said before turning my back on them.

Hindi ako dakilang usisera o chismosa pero hindi ko maiwasang maintriga sa pag-uusapan nila. Is it that important that they have to be left alone? Though, ayos lang naman iyon. Siguro dahil si Jinx lang kasi ang involve kaya ako nagkakaganto.

Darn. You're hopeless, Coleen. She's Ghunter's cousin's cousin! They might not be related by blood but they're still relatives!

Napanguso ako at tumigil sa gilid ng garden, malapit na halos sa gutter ng driveway kung saan nagbababa o nagsasakay ang mga sasakyan. Mas sariwa na kasi ang hangin sa bandang ito. Tahimik lang namang nakabantay si Ruthy at iilan sa bodyguards. I wore my shades as I gathered my hair to my left side.

It's already quarter to six and we still have a party to attend after this. Sa bahay na nila iyon at medyo kabado pa rin. Sure, I met his parents already. But the thought of going to their mansion after all these years for the first time is freaking me out. I asked Ghunter for their address, para sana ise-search ko sa Google Maps kanina. At least may ideya na ako, hindi ba? But he couldn't just cooperate!

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon