Chapter 33
Starstruck
Naging mahimbing ang tulog ko noong gabing iyon, hindi alintana ang matatalim at mapanuring titig na ipinupukol sa akin ni Romeo sa hapag kinaumagahan.
"Sinisimulan na ang collection kasama ang designs mo, anak," balita sa akin ni Mommy.
Namilog ang mga mata ko. Mabilis kong kinuha ang aking baso at uminom bago mapapalakpak sa tuwa!
"I'm so excited, Mommy!"
Napansin ko ang bahagyang pagkagulat ng mga taong nasa mesa rin kasama ko dahil sa naging reaksiyon ko. Am I too happy?
My lips protruded and continued eating.
"You look happy..." Dad noticed before sipping on his cup.
"Of couse, Dad. Bakit naman po hindi?"
"Parang kagabi lang..." Hindi na niya tinapos pa ang sasabihin at ngumiti na lang.
I remembered my mood last night and they were aware that I was very gloomy that time. So maybe they're just surprised that now, I'm too happy?
Dahil doon ay nilimitahan ko ang mga eksaheradang galaw ko na halos hindi ko mapigilan. What? I'm just so happy right now! I'm lying if I'd say I don't know why. Dahil hanggang ngayon, hindi mapagkakailang malinaw pa rin sa akin ang lahat.
Colt just stayed for that night. Saktong alas dose nang madaling araw ay hinikayat na niya akong umuwi kahit hindi ko pa talaga gusto. He said he'll stay there a bit and will be picked up by morning. Since we got each other's number now, we can communicate easily, very unlike just a few months or days ago.
It still feels like a fantasy thinking of these now. Parang panaginip lang ang lahat kaya paminsan-minsa'y napapaisip ako kung talaga bang nasigurado kong tunay na tao ang Colt na nakasama ko kagabi. Baka mamaya, namamaligno lang ako o ano! But when I received a message earlier this morning, all my doubts were gone and certainty took place.
Colt:
Good morning. I'm in my condo now preparing for later's taping. Don't skip breakfast and good luck to school. Take care, Kuring.
Iyon ang kanyang mensahe at kumpletong-kumpleto ng detalye. Kulang na nga lang, pati good night, sabihin na niya. But I understand since nakuwento niya rin kagabi na bukod sa iilang endorsement at photoshoot, abala rin sila sa darating nilang pelikula.
It's understandable that he won't be available enough to attend his phone. So I managed to send him a complete set of text message, too.
Me:
Good morning! Kakagising ko lang. You, too. Don't overwork yourself and eat all your meals today. Break a leg for today's work. Take care, Vincentiments. :)
Hanggang ngayon ay napapangisi pa rin ako tuwing naaalala ang reaksiyon niya nang aminin ko sa kanya ang pinagmulan ng palayaw na iyon.
It's a popular short movie production in the internet. I even provided him to watch a sample of one of their creations and he snorted instantly! I suddenly wonder what would be his reaction looks like the moment he read my message.
"Señorita, nandito na po ang bodyguard niyo," anunsiyo ng kasambahay na pumasok sa dining room.
My lips parted when I learned that my supposed to be one week bodyguard would still accommodate me. Well, wala naman talaga akong ideya kung hanggang kailan ito mananatili sa akin. Sadyang nag-assume lang ako na since one week lang ang permit ko to have an entourage, one week lang din itong sasama sa akin.
BINABASA MO ANG
Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)
RomanceColeen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfect ending for this lovable and charming couple. With their Yaya Planets (Yaya Jupiter and Yaya Mars)...