FRIP 46

2.8K 134 152
                                    

Chapter 46

Sweety

"To fulfill my one and only pledge you're insisting to me ever since, Coleen. To make you happy and contented..."

I was staring at my reflection for a while when I heard a few banging knocks on the door.

"Lumabas ka na sa lungga mo, Señorita! Bumalik na ang biological parents mo!" si Romeo sa nakakarindi niyang boses.

Huminga ako nang malalim bago damputin ang bag ko. I brushed the half of my hair as I turned the doorknob. Nakita ko si Romeo na ngumunguya ng tinapay sa likod noon at inirapan ko siya.

"'Ba, sungit nito, a? Meron ka ba?" tanong niya na hindi ko pinansin.

Pagkalagpas ko naman ay agad kong narinig ang tawa niya. Napapikit na lang ako nang mariin. Heck, I was nervous as hell, alright? Sana lang, huwag nang dagdagan ng Romeo na ito!

Sa gitna ng hagdan ay nakita kong nauna na siyang bumaba, tila nagmamadali roon. My forehead creased. Anong paandar na naman ito?

"May dalaw 'yung nililigawan mo, Ambrose! Ingat, ha? Nanunuklaw 'to!"

Halos malaglag ako sa ginawa kong hakbang sa sinigaw ni Romeo. What the heck?!

"You're teasing her again," came a deep and soft english accent.

Natigilan ako nang ilang sandali sa pagbaba nang makita ko ulit ang lalaking halos isang linggo ko ring iniwasan.

Ghunter lift his gazes towards me and my breathing almost hitched. There was a vestige of quiver on my throat the moment my eyes met his.

Naglakad siya patungo sa landing at hinintay ang pagbaba ko, kaya kahit nanginginig man nang kaonti ang mga tuhod, nagawa ko pa ring ihakbang ang mga paa ko.

He cocked his head, hands inside his pockets, not being generous with his facial expressions, as he waited for me downstairs.

Naiilang akong tumigil sa kanyang harapan, hindi alam kung anong gagawin dahil inaasahang magbebeso. Kaya naman nang nilabas niya ang kaliwang kamay mula sa bulsa at hinapit ang aking bewang, hindi ako nabigo.

He bent his body towards me and landed a faint cheek on my cheek. Hindi na niya iyon pinatagal pa nang mabilis siyang tumuwid saka muling binalik ang kamay sa bulsa.

"How are you?"

His eyes were captivating and I suddenly felt my blood surging into my face.

Napakurap-kurap ako. "I'm... f-fine."

I gasped. I saw how his adam's apple moved when he swallowed hard before he nodded his head. And without anymore reply, he turned his back on me and went towards Romeo.

Abala na sila sa pag-uusap nang matauhan ako.  Kinailangan ko pang iiling nang kaonti ang ulo bago tuluyang magising sa sandaling pagkawala sa hulog.

I strode my way to the living area, feeling ashamed to myself.

Naiintindihan ko naman. Kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin. For the past week, I've been ignoring all his efforts to reach out for me. From his texts to emails. From visiting our house to fetching me from my university, offering to drive me home.

All of those things, I evaded them. I guessed, I still had no guts to even face him yet.

I sat on one of the couches and played with my fingers. Maybe I was just too overwhelmed with all the things and revelations that happened ever since that party.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon