Prequel 4

12.2K 476 227
                                    

Part 4
Year 2013
3 years ago (15 years old)

            
"Ang gwapo talaga!"

"Waaaaah! Ayan na si CK!"

"Shit! Where's my makeup?!"

"Mr. Colt Vincent! Aaaaaah!"

"Nandyan na sila, sis!"

Halos lahat ay napatigil sa kanya-kanyang ginagawa nang pumasok na ang grupo nila Colt dito sa cafeteria ng campus, kung saan nakain ako kasama ang dalawang kaibigan ko. Tatlo lang kami.

Masakit sa tenga, oo. Pero hindi ko na iyon pinapansin. Table lang yata namin ang tahimik. Bumuga na lang ako ng hangin at sunod-sunod na sinubo ang hawak kong fries.

Narinig ko ring bumuntong-hininga si Althea.

"Haaaay." Sabay halumbaba sa table. Uminom siya ng red tea. "Ang gwapo talaga nila. Lalo na si CK! Tapos ang yummy ng katabi, si Ghunter! Made in USA!"

"Malaking check galing sa red na ballpen!" second the motion naman ni Abigail kaya napatingin ako sa kanya.

Tumingin din siya sa akin.

"Ikaw ba, Coleen? Ikaw ang CQ, 'di ba? I'm sure na kahit saglit ay nakausap mo na sila! Marami ding usapan na mukhang close kayo sa backstage with his friends!"

Nagsitilian ang dalawa sa ideya pero hindi naman kasing lakas ng tili ng mga babae o effem sa paligid.

Nagkibit-balikat na lang ako sa kanila. Parang hindi nga nila hinihintay na sumagot ako, e. More on, naghahanap lang sila ng dahilan para may mapag-usapan at kiligin.

I was fighting every once of my courage to evade them. But sometimes, I still couldn't help it but to glance as well. Just like the other students. Naroon na sila sa counter para bumili ata ng pagkain. All boys.

Apat lang sila ngayon dahil kapag kompleto ay 12 sila in total. Natural hinakot na nila ang lahat ng mga lalaking may hitsura dito sa campus. 'Yung may utak, mayayaman at mga may impluwensiya. Hindi halata na halos sambahin na sila dito ng mga tao. Hindi talaga halata, swear.

"Uy! Tulala ka na naman dyan!" puna ni Althea.

Bago pa man niya sundan ang tinitingnan ko ay mabilis kong nilihis ang mga mata ko sa ibang direksyon.

Hindi pa rin nag-iiba ang ugali ni Colt. He's still my Colt. Yeah, inangkin ko na siya. Siya pa rin naman 'yung masungit na may dalaw na snob na mahilig man-trip na caring na cold na bully na mahilig manlait na madalas baguhin ang pangalan ko into other eewie names.

Anim na taon na ang nagdaan. At hindi ko mapagkakaila na marami na rin ang nagbago. Tulad na lang nito. Ng sitwasyon namin.

Parang ako lang noon, marami na ring bansag kay Colt. Tulad ng CK, Campus King, Vince, Vincent, Cent, Covin, or simply as Colt.

On top of that, despite of my difficulty to make friends with the other kids, I was able to get myself two girl friends with me. Halos isang taon din akong nag-adjust sa high school bago sila tuluyang mahanap.

Colt was able to make friends, too! And look at him now, he was one of the sought-after students for the other kids.

"Napakamisteryoso talaga niyang si Colt," biglang bukambibig ni Abigail na talaga namang off-topic, habang nakatitig kay Colt.

"Hmmm?" ani Thea.

Sumandal si Abby nang komportable sa kanyang upuan habang pinaglalaruan iyong red tea niya gamit ang kanyang straw.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon