POHEO 27

2.6K 107 61
                                    

Chapter 27

Entablado

   

Suminghap ako. Hindi magkamayaw ang kaguluhan ng mga tao. Punong-puno ng sigawan at sabay-sabay na hinihiyaw ang pangalan ng tambalan.

Tumigil muna ang sounds na pinapatugtog habang naghihintay ang mga audience. Nagbago ang kulay ng stage lighting at bumuga ng usok ang smoke machine.

I was amazed how controlled technical things were. Pinasadahan ko lalo ang paligid.

Lalong umingay ang coliseum ngunit bahagyang nanahimik nang nagwala ang iba't ibang kulay ng laser lights sa stage, animo'y sumasayaw.

"Nagsisimula na!" yugyog sa akin ni Lorna.

Si Wednesday naman ay hinanda na ang kanyang camera. Tahimik ko lang na ninanamnam ang mga bawat sandali. I didn't know how to react. I wasn't an actual fan anyway.

Umangat ang isang naka-display kanina pa na malaking four-sided stage LED screen mula sa sahig ng entablado, umangat iyon halos hanggang sa ceiling, nagsilbing big screen, at sa loob noon ay mga dancers pala sa stage na nagsimula nang umindayog. Nagwala na naman ang mga tao nang lumabas na ang tambalang pinakahihintay ng lahat mula sa gitna ng mga mananayaw.

A familiar rhythm roared into life as they danced perfectly in the middle of the big stage.

Mayroon ding big screen sa bawat sulok ng coliseum, nakakamangha ang mga anggulo at mas nakikita nang malinaw ang mga kaganapan sa entablado. The stage designs were very sleek. Halata talagang pinaghandaan at pinaggastusan ang concert na ito.

Sa kalagitnaan ng sayaw, hinapit ni Cent Laurel ang baywang ni Jinx at nagbago ang tugtugin.

It became a sexy song. Mas nagsitilian ang mga tao katulad na rin ng dalawa kong katabi kaya umurong ako nang kaunti, paalis sa unahan. Nakuntento na ako sa ganoong posisyon at tanging pagtanaw na lang muna sa mga nangyayari.

Sa bawat galaw, siguro na rin dahil may kalapitan kami sa entablado, kitang-kita mula rito ang koneksiyon ng titig ng dalawa sa ginagawang pagsayaw. Hindi inaalis ang eye contact at halatang masaya sa ginagawa.

Everything felt surreal. Hindi na bago sa akin na marami silang tagahanga at totoong sikat na sila. Tanggap ko na ang ideyang iyon. Kabisado ko na ang mga galawan sa social media ng mga fans nila.

Ngunit nang masaksihan ang lahat ng ito sa personal, alam kong nagkamali ako nang isipin kong kabisado ko na ang lahat.

Maybe it's just the virtual vibe because the live crowd was more wilder that I thought. Ganoon karami ang humahanga sa kanya ngayon. Malayong-malayo na sa... nakagisnan kong Colt noon.

"What the hell! That's just the opening production? I almost forgot my name!" eksaheradang saad ni Lorna pagkaupo para uminom ng tubig.

Nang matapos ang paunang palabas, huminahon nang kaunti ang paligid at lumabas na ang dalawang host ng concert.

Mabilis na binigyan ng tubig ang dalawang artista na halatang hinihingal na rin sa ginawang pagpe-perform habang inaaliw muna ng hosts ang mga tao.

"What's up, Araneta!"

Puno ng talunan at hiyawan ang audience. Samantalang nanatili lang ang titig ko sa likod ng dalawang host. Sa dalawang bida ng gabing ito.

Matapos mahimasmasan ay pasimpleng nabulungan ang mga ito at mahinang nagtawanan. Napangisi nang bahagya si Cent Laurel nang may binulong muli si Jinx. Parang may binubuong sariling mundo habang wala pa sa kanila ang spotlight.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon