FRIP 56

3.2K 124 130
                                    

Chapter 56

Charger

I opened my own door because I don't think Ghunter's dignity could do that for me.

Hindi ko nga ba alam. He could do capricious measures for his love to the extent that he could go martyr for it, but not for these things. He might be a noble gentleman but not chivalrous and gallant for ladies especially his age.

Pakiusapan mong pagbuksan ka ng pinto, baka pa isumbat sayo ang kompletong parte ng katawan na meron ka. Depende na lang kung talagang sinapian ng masamang ispirito, baka pa magbago ang ihip ng hangin.

Ako ang naunang lumabas ng kanyang SUV nang patayin pa ang makina.

I couldn't deny the fact that I really missed these moments. Where he would drive me home using his car that I considered favorite. Kahit dala-dala ang sariling sasakyan ay ipinamaneho niya na lamang iyon sa valet na nakita ko kanina para sa kanya ako isakay. Well, I think he missed me that much.

Napangisi ako habang pinapanuod siyang ilagay ang susi sa kanyang bulsa habang suplado lang na nagtaas ng kilay sa akin. I chuckled when he reached me with that face.

"I'll pick you up tomorrow," aniya pagkalapit.

Tumango-tango ako nang malaki habang may ngiti sa mga labi.

I didn't expect that this day would turned out like this. Parang kanina lang, nangangamba pa akong hindi matatapos ang usapan nang hindi kami magkakasundo. But I guess, Ghunter would always be Ghunter. His unpredictability would never be out of place.

"Okay. I'll see you," sagot ko.

Nilagay niya ang magkabilang kamay sa kanyang bulsa at marahang tumango, sinesenyas na tinatapos na ang usapan.

"Pumasok ka na. Ako na ang bahala sa sasakyan," tukoy niya sa cabriolet ko na tanaw na namin sa mga oras na iyon.

Agad akong umiling. "Nah. Dito lang ako hanggang sa maipasok sa garahe. I'll watch you."

Binalik niya ang tingin sa akin at muling napataas ng kilay. "You should rest. You said we will leave early for your client meeting."

We. Napanguso ako at muling napalingon sa sasakyan kong tuluyan nang tumigil sa likod ng kanyang SUV. I faced him again and caught him seriously looking at me as he waited for my response.

"Dali na! Ipasok mo na para papasok na rin ako."

Ngunit imbes na lapitan na ang valet na ipinuslit niya lang sa kanilang establisyimento para imaneho ang sasakyan ko ay hindi pa rin siya natinag sa aking harap.

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay upang ipakita ang tanong ko sabay sulyap pa sa aking sasakyan.

There was a sudden scowl on his face afterwards.

"I wanna come with you. I may be of help," satinig niya sa wakas sa mukhang kanina pa gumugulo sa kanya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. We've been talking about this in the car for like five times already! But he seemed to be not satisfied with me declining his offer!

"I told you it'll be fine. At saka, hindi ka pwedeng basta-bastang bumuntot sa akin. You know how the public media reacts with controversies when they see one."

"I'll file a case once they do something without permission. Para alam din nila ang reaksiyon ko."

"Ghunter!" I scoffed in disbelief.

Goodness! I remember him frightening girls from our school with that same provision when we were still in senior high school! Hanggang ngayon ba naman ay iyon pa rin ang solusyon sa mga ganyan?

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon