Chapter 1: Welcome to the El Greco residence

7.5K 115 19
                                        

Chapter 1: Welcome to the El Greco residence

It's been 2 weeks simula nung mamatay ang parents ko at nakakatandang kapatid ko dahil sa isang assassination sa Japan. Wala na akong ibang inisip kundi ang pagkawala ng mga importanteng tao sa buhay ko.

Now that I'm here in the Philippines, hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula ng panibagong kabanata sa buhay ko.

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang mga pangyayari ng gabing iyon. Witness ako kung gaano ka-brutal ang pagpatay nila sa pamilya ko.

Nakaligtas ako dahil ginabi ako ng uwi galing sa paaralan ng araw na yun at kita ng dalawang mata ko sa labas ng bahay namin ang pagdaloy ng kanilang mga dugo.

Walang puso ang mga taong gumawa nun sa pamilya ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nakikita ang culprit.

They're intelligent dahil walang nakitang bakas ng ebidensiya sa bahay namin ang mga pulis. Magbabayad ang kung sino mang gumawa nito. I swear, I'll let them pay for taking away those people from me.

"Okay ka lang ba, Yumi?"

Tanong ng kasama ko na si Auntie Beth. Actually, hindi ko siya tiyahin. Siya yung sumundo sa akin sa airport. Sinabi kasi ng family lawyer namin na hindi daw muna ako magsi-stay sa Japan hangga't hindi naaayos ang kaso.

A family friend volunteered na pwede niya akong patirahin sa kanila habang nandito ako sa Pilipinas. Nandito naman daw ang mga anak niya, so they can protect me from harms.

Si Mr. El Greco ang kaibigan ni mama na nag-offer sa akin na pumarito, and I'm grateful to him dahil tumutulong din siya to solve the case.

I'm Mayumi Matsumoto. Half filipino and half japanese. Bihasa ako sa tagalog dahil hindi ako sinanay ni okasan (mom) na puro Japanese lang.

Ayon din sa kanya mahalin ko daw ang sariling wika dahil iyon ang bilin ng National Hero ng Philippines na Jose Rizal ata yung pangalan. Di ko masyadong matandaan.

I grew up there, at ngayon lang ako nakapunta dito sa Pilipinas.

"Okay lang po, Auntie Beth. Malayo pa po ba tayo?"

Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa phone ko. Nag-change na ako ng sim card at siniguradong makaka-contact ako kay Atty. Kimura, Detective Ishikawa at kay Mr. El Greco doon sa Japan.

"Nandito na tayo, Yumi."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad naman akong napatingin sa bintana. Napaharap ako sa malaking gate at pagkabukas noon ay nakita ko ang isang napakalaking bahay.

 Napaharap ako sa malaking gate at pagkabukas noon ay nakita ko ang isang napakalaking bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(a/n: yan po yung mansion ng mga El Greco)

Actually, malayo yung mansion sa gate kaya kailangan pang pumasok ng kotse. Nakita ko ang isang guard na nagbukas ng gate.

The house is like a typical European house. Very much like Mr. El Greco's style.

Nang maipark na yung kotse ay agad akong bumaba at nilibot ang paningin sa kabuuan ng paligid.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon