Chapter 31: Selfless love (Special Chapter)

1.3K 27 2
                                        

Chapter 31: Selfless love (Special Chapter)

Kirstin's POV

"Kirstin, umayos ka nga. Nakakahiya sa mga bisita. Ano bang iniyak-iyak mo dito? Bumaba ka na." Sermon sakin ni mama bago siya lumabas ng kwarto ko at iniwan ako.

I'm a victim of that freakin' fixed marriage. At kahit na sobrang labag sa loob ko ay pumayag ako para lang mapasay ko ang mga magulang ko. Ganoon naman palagi diba? Upang matawag ka na 'mabuting anak' ay susundin mo lahat ng gusto ng iyong mga magulang? Kahit na kapalit nito ang iyong kasiyaha't kalayaan.

Marahan kong pinahid ang mga luha kong kanina pa walang humpay sa pagpatak. Bakit ako umiiyak? Dahil unang-una, hindi ko mahal si Francis–ang magiging asawa ko. At alam kong hindi ako magiging masaya sa panibagong buhay na ito. Pangalawa, sinuko ko ang sariling kaligayahan ko para sa mga magulang ko.

Sinuko ko si Evo na mahal na mahal ko para sa kanila. Oo tama kayo ng nabasa. Hanggang ngayon ay mahal ko parin si Evo at kahit kailan ay hindi iyon nawala.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko sila pini-pair up ni Yumi, yun ay dahil nakikita kong nagdi-drift away na siya sakin at naa-attached na siya kay Yumi.

At nakakasiguro naman akong nasa mabuting kamay si Evo. I've been friends with that Japanese girl and I like her for the man I love. Yun ay kung mamahalin din siya ni Yumi.

Tinext ko si Evo.

To: Evo El Greco

Please fetch me at our house. I need you.

Hindi naman siguro nila ako kailangan ngayong natupad na yung pangarap nilang merging of company dahil sa kasal namin ni Francis. I'm only 20 at heto ako ngayon, nakakulong na. Yes, I'm 20. Mas matanda ako ng isang taon kay Evo and the rest of his brothers na 19 lang.

Tumunog ang cellphone ko at agad kong binasa ang reply niya.

From: Evo El Greco

On the way.

Medyo nabunutan ako ng tinik sa reply niya. It's always been him. Wala akong ibang minahal kundi siya lang. And I'm sure, mamahalin ko pa rin siya bukas. Bukas makalawa. At sa paparating na bukas.

Agad kong inayos ang sarili ko at bumaba na sa bulwagan kung saan ginanap ang reception ng kasal namin ni Francis. Our mansion can accommodate such visitors kaya dito na nila pinasyang i-held ang reception.

"Kirstin. Congratulations for being Mrs. Alcantara. Wish you all the best." Nakangiting bati sa akin ng isa sa mga kaibigan ni mama kaya nginitian ko nalang din siya.

Hindi kasi invited si Evo dito. Ayaw ng parents ko sa kanya. Kesyo, mali daw ang pagpapalaki sa kanya ng ama niya. Kesyo, hindi raw galing sa isang matinong pamilya. Na kahit napakayaman daw ng ama niya, iba pa rin daw talaga pag galing sa isang metikulosong pamilya. Kaartehan! Kailangan pa ba yun? Whatever that is.

"Kirstin, I want you to meet someone." Bungad sakin ni Francis habang nakahawak siya sa bewang ko. He's so clingy.

"Sheryl. Hi!" Bati niya doon sa babaeng naka taylor cut gown at nakipag-beso beso.

"Hi, Francis. Congratulations."

"Thanks. I want you to meet my wife, Kirstin. This is Sheryl, my senior during my masters." Pagpapakilala niya sa amin kahit na hindi ako interesadong makisalamuha sa mga kakilala niya.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon