Chapter 23: Duel (part 1)
"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa kwarto ko.
Nilapag niya ang luggage ko sa gilig ng kama at huminga ng malalim bago magsalita.
"I'm sorry for being a jerk."
It's the very first time I've seen him na sobrang seryoso. Naiintindihan ko naman siya at isa pa, kaibigan parin ang turing ko sa kanya sa kabila ng lahat.
Tungkol naman sa misyon na sinasabi ko kanina. My mission is to reconcile the three brothers.
Sa mga panahong nandito ako, nakilala ko sila at ayokong iwan sila na magkaaway parin. Sila na nga lang ang nandito, mag-aaway pa ba sila? Tsaka malaki rin ang utang na loob ko sa kanila sa pagligtas at pag-alaga nila sakin nung nanganganib ako dati.
"Drake—"
"I know. I know galit ka sakin dahil sa... dahil sa ginawa ko sayo kagabi. But I promise, I promise aayusin ko na ang sarili ko. Hindi na ako magseselos, hindi na ako magpapadala sa galit ko at kapag sa tingin ko sasabog na ako... lalayo ako. Sobrang mahal lang talaga kita Yumi and I can't stand seeing you next to another man."
Jusko! Ano bang nagawa ko at nagkaganito siya? Mahihirapan akong ireject siya ng maayos dahil nakokonsensya ako. At ayokong nakikita siyang nagiging demonyo.
Pero hindi naman siguro niya ako oapatayib kung sasabihin ko sa kanya diba? Maiintindihan naman siguro niya ako diba?
"Alam ko yun, Drake at pinapatawad na kita. Sana din hindi na yun mauulit pero may sasabihin lang ako at sana maintindihan mo. Drake hindi—"
"Wag. Don't say a word about it, Yumi. Ayokong marinig ang sasabihin mo dahil hindi pa ako handang marinig yan. Not now. But thanks, thanks for giving me a chance. Wag kang mag-alala, I'll do my best not to disappoint you again."
Umalis na siya at naiwan akong speechless. Bakit ba ganun siya? Bakit ang hirap sabihin na hindi kami pareho ng nararamdaman?
Kung natuturuan ang puso na mahalin ang isang tao, sinabi ko na kay Drake yun pero kahit kailan hindi eh. Ibang tao kasi ang gusto ko.
At si Ayato yun.
Hindi ko alam paano nagsimula 'to at kung kailan pero yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko pa naman siya mahal pero gusto ko siya kahit na ganun ang ugali niya. Pabago-bago.
Ayato's POV
"Class dismissed."
Agad akong tumayo at lumabas ng classroom nang matapos ang napaka-boring na klase namin.
"Bro, may party tayo para kay Grace ngayon. 20th birthday niya. Sama ka." Yaya sakin ng isang classmate ko.
"Sure. Wala naman akong gagawin ngayon."
Umuwi muna ako sandali sa condo para magpalit ng damit.
Nang makarating ako sa unit ko ay isang hindi inaasahang bisita ang naabutan ko dun. Akala ko ba aalis siya ngayon? Bakit nandito pa siya?
"Ayato." Bati niya sakin nang makalapit ako.
"What are you doing here? Paano mo nalaman ang address ko dito?"
Ooo nga, paano niyang nalaman eh hindi ko naman sinabi yun sa kanya? Ni hindi ko nga sinabi sa kanyang may condo ako.
"Nagtanong ako kay Evo. May favor sana ako sayo."
Tss! Ang daldal lang talaga ng taong yun.
"Wala akong panahon makinig sa favor mo na yan. Umalis ka na dahil may pupuntahan pa ako." Walang lingon kong sabi sa kanya sabay pindot ng code sa pintuan ng unit ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/69477282-288-k849075.jpg)
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...