Chapter 62: Plans

978 20 2
                                        

Yumi's POV

Three o'clock in the morning at gising na ako. I prepared my things. Passport, visa, gadgets, bank books and everything. Aalis ako and my flight is at 4 AM bound to Japan.

Kagabi pag-alis ni Drake ay nagpa-book ako ng earliest flight via internet. Babalik ako ng Japan at isasagawa ko ang plano ko. Tama na ang anim na taon na pamamahinga nila, panahon na para maningil.

Nang maihanda ko na lahat ng gamit ko ay napatingin ako sa wall clock across my bed. It says 3:26 AM. Hindi naman traffic ngayon dahil maaga pa kaya may oras pa ako.

Backpack lang ang dinala ko and I dressed like some agent in all black. Pupuntahan ko pa kasi si detective Ishikawa pagdating ko doon.

I glanced back at the room for the last time and opened the door to leave. Pero nagulat nalang ako nang biglang bumagsak si Drake pagkabukas ko ng pinto. What the hell?

"Hi." Pupungas-pungas niyang bati at halatang galing siya sa malalim na pagkakatulog. Wait... did he slept there?

"Why are you here?" I asked as I scowled at him.

He narrowed his eyes at me and took a glance on the bag at my back before he turned to me, "Sabi ko na nga ba't may pinaplano ka eh. You know you're not good at lying, Yumi. Saan ang punta mo?"

I let out a breath bago ko siya sinagot, "Drake, just let me go. Kailangan ko itong gawin para matapos na 'to."

His lines grew deeper as he stepped forward, "You are not leaving. Ano, ilalagay mo na naman ang sarili mo sa alanganin? Think straight, Yumi. Anong magagawa ng isang babaeng kagaya mo doon at nag-iisa lang?"

It's already 3:35 AM at kailangan ko na talagang magpunta sa airport kundi maiiwan ako ng flight ko. Damn this man!

"Drake, please. My flight's at 4 AM, kaya ko naman ang sarili ko eh isa pa—"

"Kaya mo? Kaya pala nangyari sa'yo iyong nangyari anim na taon ang nakakaraan. You're not leaving and that's final."

Holy shit! I'm not into cursing pero mapapamura na naman ako sa lalaking ito. Bakit ba ang kulit niya? Nakaka-frustrate siya.

"Ano ba?! Pamilya ko ang pinag-uusapan dito, Drake. I need to give them justice!"

"Mayumi! Are you really out of your mind? If you want to give them justice, let the cops do their job. 'wag ka ngang magpakabayani."

Bullshit! I can't help my tears from falling. I'm so desperate like hell pero heto siya't hinaharangan ako sa plano ko.

"The cops can't do anything for crying out loud, Drake. Just please. Please, I'm begging you. Just let me go..." I pleaded as I wept.

Hindi ko sasayangin ang oras at pagkakataong ito. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at hinawakan ako sa kamay sabay hinila palabas ng unit.

Hindi ko alam saan kami pupunta pero pababa na kami ng condominium papunta sa basement kung saan ang parking area. And we stopped in front of a car.

"Get in," he said as he opened the passenger's door, "Get in or else we'll be late for your flight."

Realization hits me kaya agad akong umibis papasok sa passenger's seat. Umikot pa siya papunta sa driver's seat at nang makapasok na siya ay mabilis naming nilisan ang basement at halos paliparin niya ang kotse sa pagda-drive. Mamamatay yata ako bago ako makarating sa Japan.

At exactly 3:57 AM ay nakarating kami sa airport. Nauna na akong pumasok dahil may hinalungkat pa si Drake sa compartment ng kanyang kotse bago lumabas. 3 minutes nalang ay aalis na ang eroplanong maghahatid sa'kin sa Japan.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon