Chapter 48: Doubts

1K 21 1
                                        

Drake's POV

Kanina pa akong nakaharap sa screen ng laptop ko at pinakatitigan ang mukha ng sinasabing Maiko Fujiwara. They both looked exactly the same. Kaya tama lang ang hinala namin na hindi siya si Maiko kundi si Mayumi.

Pero paano iyon nangyari? Nandoon ako nang makita ko ang bangkay niya. Their personal detective even confirmed it. Paano? Ugh! Ang sakit sa ulo isipin ang mga ganitong bagay.

"Ehem!" napalingon ako nang may tumikhim at nakita ko ang nakatayong si Evo sa tapat ng pintuan ng library ng mansyon.

Isinara ko ang laptop ko at saka siya binalingan, "Anong kailangan mo?"

Pumasok na siya nang tuluyan at naupo sa tapat ng kinauupuan ko. Napansin kong may kakaiba sa mokong na ito these past few days. Parang inspired na hindi ko alam.

"It's annoying to look at you with that friggin' expression. Ano ba kasing kailangan mo?" singhal ko sa kanya.

"I have a plan to tame Maiko Fujiwara," diretsong sagot niya. "I'll make a proposal to her."

Agad akong napatayo sa sinabi niya, "Pr-propo...sal? Magpo-propose ka sa kanya? Bakit? Gusto mo ba siya?"

Inabot niya ang ballpen na nasa tapat lang niya at inihagis ito sakin, "Stupid! Ano ba 'yang pinag-iisip mo? Of course not the wedding proposal, fool. I'm talking about business proposal. I'll have to do what it takes para mapalapit sa kanya. At kapag nangyari na yun, mas malaki ang chances nating maka-access sa kanya doon sa Japan."

Anong klaseng plano ba itong gagawin ng ugok na ito at kailangan niya pang mapalapit kay Maiko? Iisipin ko pa lang na magdididikit na siya sa kanya ay para naman akong mababaliw. Oo, hanggang ngayon, I'm still head over heels for Yumi.

"At balak mo talagang mapalapit ka sa kanya? Psh! Wala akong tiwala na magagawa mo iyon. Kaya ako nalang ang gagawa nun. Anong proposal ba ang gagawin ko?" pag-o-offer ko sa kanya.

"Tss! Ano bang ipinagseselos mo diyan? Isa pa, wala kang alam sa business. You graduated with a degree of Accountancy. Naka-graduate ka nga pero anong ginawa mo afterwards? Nagbulakbol ka lang, nambabae, nakikipag-away."

Masyado siyang pasikat! Porke't siya ang binilinan ng matandang iyon sa business niya ay may lakas na siya ng loob na insultuhin ako ng ganoon? Leche siya!

"Hoy! Fast learner ako. Baka nakakalimutan mo, I'm smarter than you. Masipag ka lang. Isa pa, Accountancy is closer to business. Eh ikaw, anong kinalaman ng Architecture sa business industry?"

"Pati degree niyo pagtatalunan niyo?" pareho kaming napalingon sa nagsalita at nakita naman namin ang papalapit na si Kirstin. Paanong nakapasok ito dito? Ah hindi na ako magtataka. Masyadong feel at home ang babaeng ito.

"Kirstin, what're you doing here?" napatayo si Evo at sinalubong ang babaeng iyon.

"I have something to discuss with you," sagot naman niya.

Anong gagawin ko dito? Ako ang unang gumamit ng library na ito tapos biglang dumating itong asungot kong kapatid. At ngayon, sisingit na naman itong babaeng 'to? Wow ha! Eh di sila nang gumamit nito. Nakakainis mga tao dito! Agaw-eksena masyado.

Lumabas na ako ng library at nagtungo sa kusina nang maabutan ko ang kontrabida ng buhay ko na naghihiwa na naman ng keso. Bakit niya ba ginagawa ang ganyang bagay? Nakakainis ang bwisit na 'to!

Kumuha ako ng tubig sa loob ng fridge at nagsalin sa baso nang mapatingin ako sa kanya na ngayo'y nakatingin rin sakin. Problema nito?

"Anong tinitingin-tingin mo?!" singhal ko sa nakakagago niyang pagmumukha.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon