Chapter 25: His plaything

1.5K 29 4
                                        

Chapter 25: His plaything

Yumi's POV

"I just wanted to play with you..."

Ibang-iba ang epekto ng sinabi niya sakin kaya napahinto ako at parang nawala sa sarili pansamantala. Nabalik lang ako sa reality nang humiwalay siya sakin at pinindot yung code ng pinto ng unit niya at pinapasok niya ako.

Nag-alangan pa ako dahil ayoko siyang kasama sa unit niya na kami lang dalawa. Hindi ko pa kaya nakakalimutan yung ginawa niyang paghalik sakin kanina. Pero wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok sa unit niya.

"You'll be staying here with me until I decided to go back to the mansion."

Agad akong napatingin sa kanya nang sabihin niya yun at nakita kong nakahiga na siya at nakapikit sa sofa. Anong magsi-stay ako dito kasama siya ang pinagsasabi niya? Naalog ba ni Drake yung utak niya?

Si Drake. Oo nga pala, nawala sa isip ko yung taong yun. Kahit naman gusto ko si Ayato, hindi ko parin gusto yung ginawa niya sa kapatid niya. Eh halos patayin na nga niya yun kanina eh. Nakakainis talaga ang hapon na 'to!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dina-dial ang number ni Drake. Kahit na walang malay yun ay sigurado naman akong may sasagot sa tawag ko. Nasa kalagitnaan ako ng paghihintay ng sumagot ng biglang may humablot sa cellphone ko at tinanggal ang battery nun. Sino pa ba ang gagawa nun? May iba pa ba?

"No cellphones inside my unit."

Aba! Ang lakas ng loob niyang ganun-ganunin ako. Kanina pa niya akong ginagalit ah, kala niya siguro nakalimutan ko na ang ginawa niya kay Drake. Hampasin ko siya ng hanger eh.

Hinablot ko yung cellphone ko at binalik ang battery nun saka ini-on. Pakialam ba niya? Cellphone ko ito. Tsaka kung ayaw niya ng cellphones sa loob ng unit niya, e di sa labas ko tatawagan si Drake. Simple.

"What are you doing?" tanong niyang nakakunot ang noo.

"Bulag ka ba? Binabalik ko ang battery at ini-on dahil pinatay mo."

At nang ma-on na yung phone ko ay agad akong nagtungo sa pintuan para lumabas kaso nagsalita na naman siya.

"Where are you going?"

"Lalabas dahil may tatawagan ako. Sabi mo no cellphones inside your unit diba? Kaya dun ako sa labas, hindi ka naman siguro magrereklamo noh?"

Napahilamos siya sa mukha gamit ang mga kamay niya at napasigaw ng panggigigil. Ay ang sarap tingnan pag naaasar siya. Asarin ko kaya? Hindi naman siguro niya ako kakaratehin gaya ng ginawa niya kay Drake diba?

"Ang OA mo. Lalabas na nga lang ako."

Papunta na ako sa pintuan nang bigla na naman siyang magsalita.

"You can't go out."

Anong I can't go out? Mukha niya! Anong gusto niya, ikulong ako dito sa unit niyang napaka-boring?

"Of course I can go out. May mga paa ako't nakakalakad ako kaya makakalabas ako." pang-aasar ko sa kanya.

Nakakatawa siyang tingnan. Pikon na pikon na siya niyan eh, hahahaha! Mukha ni Ayato, sarap lang kuhanan ng picture at ipagkalata.

"Bakit ka ba namimilosopo?!" oops! Parang galit na ata siya. Medyo napataas boses niya eh.

Umubo ako ng sadya at umayos ng tayo. Baka masuntok pa ako ng lalaking ito eh, mahirap na manghiram ng mukha ng aso.

Seryoso na ulit, Yumi. Stop acting like a child.

"Ano ba kasing kailangan mo't dinala mo pa ako dito?"

Tinalikuran niya ako at pumasok siya sa kwarto niya ata yun. Bastusan lang noh? Kinakausap ko siya tapos tatalikuran ako?

"Hoy kinaka...usap...kita." parang nawalan ako ng boses nang makapasok ako sa kwarto niya. Naka-topless lang kasi siya.

Agad naman ako tumalikod at mabilis na tinungo ang kitchen niya para kumuha ng tubig. Nauhaw ako bigla eh. Ano ba yan, bakit ko pa kasi siya sinundan dun. May nakita tuloy ako.

OA mo. Abs lang naman nakita mo, hindi yung ano... Ayyy! Pati tuloy isip ko nadudumi na. Kainis!

Nakadalawang baso na ako ng tubig dahil naiinitan ako kaya nung medyo nahimasmasan na ako ay itinigil ko na ang pag-inom ko.

Babalik na sana ako sa fridge para isuli yung pitcher ng tubig, kaso pag lingon ko... Oh my! Ang lapit ng mukha niya. Kailan pa siya dito?

"Nakakita ka lang ng abs ko nataranta ka na." he smirked. Yes he smirked. God! Ilayo niyo ko sa lalaking ito, nawawala ang kainosentehan ko.

Lumalapit pa siya sakin hanggang sa maramdaman ko yung sink sa likuran ko. Wala na ako takas dito at sobrang lapit niya talaga.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ayan na naman yung mga nagkakakarera sa loob ng dibdib ko. Tumigil na nga kayo!

Pero ano ba naman itong si Ayato bakit ba siya lapit nang lapit, parang mababali na yung bewang ko kakaliyad para hindi niya ako mahalikan kung sakaling hahalikan man niya ako. Pero grabe! Ang sakit na talaga ng bewang ko.

Aamin na ako, gusto ko rin naman na magkalapit kami. Umaapaw ang amoy ng cologne niya. Mas gusto ko ito kesa sa perfume na masyadong masakit sa ilong.

Pumikit nalang ako dahil wala naman akong magagawa kung sakaling hahalikan niya ako.

Pero di naglaon ay tumawa siya. As in halakhak talaga kaya napadilat ako at nakita kong may hawak na siyang baso.

Teka, nasa likuran ko yun kanina diba? Ibig sabihin, inaabot niya lang yung baso? Aaaargh! Mayumi, assumera kang gaga ka! Napahiya tuloy ako.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi parin siya tumitigil sa pagtawa niya habang sinasalinan ng tubig ang baso niya.

Paasa! Paasa! Bwisit!

Teka, paasa? Eh ako nga itong assumera eh. Ah basta, pareho na rin yun. Pinaglalaruan niya ako eh. Nakakainis siya!

Tumigil na siya sa pagtawa niya dahil umiinom na siya ng tubig at dahil sa gusto kong makaganti, agad-agad pumasok sa isip ko ang isang idea. Pinagtawanan mo ko ha, lagot ka ngayon.

Hinampas ko ng mahina yung pwet ng baso dahilan kaya napadiin sa bibig niya at nasamid siya. At ako? Syempre tumakbo ako palayo sa kanya. Baka mamaya niyan suntukin pa ako.

"Mayumi!"

Hala patay! Ayan na si Sadako. I need to hide, baka katapusan ko na pag nakita ako ng halimaw na yun.

Kasalukuyan akong naghahanap nang mapagtataguan but in to no avail, naabutan niya ako. Embrace yourself, Yumi. Lagot na talaga ako nito.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo kanina?"

Yumuko nalang ako na parang batang pinagalitan ng daddy niya dahil sa kapilyahan nito.

"You know what, masaya ka naman pala kalaro eh. Then..."

Nabigla ako nang itulak niya ako sa sofa kaya napahiga ako at dinaganan ako. Oh no! Ano na naman ba ito? Nagiging si Drake na naman ba siya?

"You'll be my plaything." sabi niya sabay ngiti sakin at tumayo na.

Plaything? Ako? Waaaah! Parang kahapon lang naging puppet ako ni Drake tapos naging slave ni Evo. Ngayon naman, plaything ni Ayato? Ibang klase talaga ang magkapatid na ito. Masyado silang mapang-alipusta. Babae ako, sana man lang naisip nila yun tapos kinakawawa ako.

"Get up. Let's play."

Anoooooo?!

--------------------------

PLUG: Hi guys! Pakibasa naman po ng isa ko pang story. Ms. Famous and Mr. Outcast po yung title. Entry ko po yun sa Wattys2016. Punta lang po kayo sa profile ko, thaaaaanks. More love, mwa! ♥

The Three Brothers and I [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon