Chapter 13: Abduction

1.8K 40 4
                                    

Chapter 13: Abduction

Someone's POV

"Matsumoto Mayumi ga koko ni aru to watashiha kii ta." (Matsumoto Mayumi is here, I heard.)

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero buti nalang at may kasama siyang tiga-translate.

"Nandito daw si Mayumi Matsumoto."

Huh? Sino yun?

"Sino yan at anong kailangan naming gawin?" tanong ko at napansin kong nagsalita naman ang translator sa wikang hinapon.

"Kanojo wo mitsukeru shi, watashini kanojo wo tsure te kudasai shimasu." (Find her and bring her to me.)

"Hanapin niyo siya at dalhin niyo sakin."

Kami pala ang sikat na gangster slash hacker na naghahanap ng mga nawawalang tao o nagtatago. Kahit saang kuweba pa yan nagtatago, mahahanap at mahahanap pa din namin.

Pero syempre dapat may down payment.

"Paano namin kayo mapagkakatiwalaan?"

Imbis na sagutin ako ay inihagis ng isa sa kasamahan nila ang isang bag. At nang buksan iyon ng kasamahan ko ay parang naging bituin ang mga mata ko sa nakita.

Isang bag na punung-puno ng pera.

Sobra-sobra pa nga yata ito. Yayaman talaga ako sa mga hapon na to.

"Dekirudake hayaku, kanojo wo mitsuke masu." (Find her as soon as possible.)

"Hanapin niyo siya sa lalong madaling panahon."

Agad na kaming kumilos para isagawa ang misyon namin. At sa loob lang ng apat na oras ay nahanap kaagad naming ang pinapahanap.

Sa tulong ng technology, madali lang iyon.

Hapon din ang babaeng itto.

Nag-print ako ng litrato niya para makasigurado pag nakita naming siya.

Una naming pinuntahan ang Mystic University.

Ayon sa information na nasagap namin, may access ito sa mga El Greco at sumasama ito sa paaralan.

Nang makarating kami doon ay napangisi ako sa sobrang pag-ayon ng tadhana sakin.

Tiningnan ko ang litrato at kumpiramadong siya nga ang hinahanap namin. Pero may kasama siyang lalaki na medyo pula ang buhok, at parang hapon din. Syota niya ata 'yun.

Wrong timing.

Sinuotan niya ng helmet ang babae at isinakay sa kanyang motor.

"Boss, siya yun diba?"

"Oo. Sundan natin ang motor."


Yumi's POV

Naguguluhan pa rin ako sa ikinikilos ni Ayato. Kanina lang pwersahan niya akong hinila paalis sa field para sumama sa kanya.

At nang tanungin ko siya kung saan kami pupunta...

"We'll go on a date."

Bigla akong napailing sa naalala ko. Anong date ba ang sinasabi niya?

At mas lalo akong na-awkward dahil sa posisyon namin ngayon.

Nakayakap ako sa bewang niya dahil nakamotor lang siya. Takot pa naman akong sumakay ng motor.

Ayoko sanang sumama pero hindi ka talaga makakatanggi sa mapang-akit na tingin ni Ayato.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon