Chapter 39: Danger

1K 22 4
                                    

Drake's POV

Pabalik-balik ako ng lakad sa loob ng hotel room kung saan ako nagsi-stay. Hindi ako mapakali simula nung malaman ko ang tungkol kay Yumi at sa pamilya niya.

"Wala ka bang stock ng pagkain dito, Drake?" narinig kong tanong ni Marco pero hindi ko na sinagot dahil iniisip ko kung paano ko mahahanap si Yumi.

"Hoy! Kanina ka pa pabalik-balik ah, relax ka nga lang. Bakit kaya hindi ka humingi ng tulong sa ama mo."

Tama! Ibababa ko na ang pride ko. I'll seek for his help para mahanap ko na si Yumi. Kailangan niya ako. She needs my protection dahil nanganganib siya. She's stupid at naiinis ako dahil alam niyang delikado dito, still she came here.

"Pahiram nga ng phone mo," may cellphone ako pero hindi naman gumagana ang Philippine sim card dito.

Inabot na niya sakin ang phone niya at tinawagan ko kaagad ang matandang hukluban na iyon. Kahit na sobrang labag sa kalooban ay ginawa ko na. It's really not my thing to ask for his help dahil matagal ko nang pinapakita sa kanyang, I can manage on my own without his help.

"Moshi-moshi," sagot niya sa kabilang linya.

"Don't answer me in that language. Give me your address, nasa Japan ako ngayon. I'll be waiting," pagkatapos kong sabihin iyon ay in-end ko na ang tawag at hinintay ang text niya.

"Napakagalang mo nama sa ama mo," Marco said in a very sarcastic tone.

Hindi ko na siya sinagot at pinakita sa kanya ang cellphone niya na may text galing kay tanda kung saan ang address niya.

"Take me to this address."

We grab a cab at saka dali-daling pumunta sa lugar na tinext ng matandang hukluban. Sana lang alam niya kung nasaan si Yumi ngayon. Well, siguro alam niya talaga dahil family friend naman siya ng mga Matsumoto diba?

Halos kalahating oras ang binyahe namin papunta doon at nakarating na nga kami.

"Wow, ang laki naman ng bahay niyo dito, pare," manghang tugon ni Marco pagkababa namin ng taxi pero hindi ko na siya pinansin at agad akong nag doorbell.

"Kare ha dare desu ka," sabi nung babaeng nagbukas ng gate na sa tingin ko ay katulong dahil hindi naman pangmayaman ang suot niya.

"I'm Hugo El Greco's son. I need to see him," walang ganang sagot ko. Dahil unang-una, hindi ko siya naintindihan. Pangalawa, I shouldn't waste time. At hindi ako sigurado kung nakakapagsalita ba ito ng English pero sigurado naman akong naintindihan niya ang pangalan na binanggit ko.

Hindi naman siya pumalag kaya pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko siyang nakaupo sa living room habang may hawak na newspaper.

Pumunta ako sa harap niya, "I need to see Yumi. I want you to take me to her."

"Lumalaki ka nang bastos, Drake. You hung me up on the phone and now you talk to me as if I'm not your father but a servant. Ayusin mo 'yang ugali mo."

Pissed off! Ano bang inaarte niya? As if naman hindi pa siya sanay sa pamamaraan ng pakikipag-usap ko sa kanya. This is why I hate talking to him. It's nonsense. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong niya, hindi ako pupunta dito.

"Please, let's not talk about it for now. Kailangan kong makita si Yumi dahil nanganganib ang buhay niya dito. I know you knew her whereabouts kaya sabihin mo na sa akin," I said with irritation on my voice.

Binaba niya ang newspaper na hawak niya saka tumayo at hinarap ako. Ngayon ko lang nakita ang buong mukha niya and I can say that he aged so much based on his looks. Siyempre, huli ko siyang nakita noong graduation naming tatlo sa high school. Its been four years.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon