Chapter 27: Suitors

1.4K 26 6
                                    

Chapter 27: Suitors

Evo's POV

It's been two days simula nung inakala namin na bumalik na si Yumi sa Japan. It has been two days since may nag uwi dito kay Drake na parang 50/50 ang buhay dahil sa pagkakabugbog.

Hindi ko alam ang nangyayari dahil unang-una, busy na rin ako. Graduating ako at ako ang inatasan ni dad na mamahala sa company dito sa Maynila for preparation.

"So ano sa tingin mo ang nangyari?" She asked as she took a sip of the tea I made for her.

"Kirstin, kakauwi mo pa lang galing France. Do we really need to talk about Drake's life? Malamang nakipag-away yun. And as I've said, I haven't seen Ayato either."

Tumango-tango lang siya at nag cross legs. Kakauwi lang niya galing France para sa official engagement party nila ng fiancé niya tapos tanong naman siya ng tanong about Drake nung kinwento ko sa kanya ang nangyari sa basagulero kong kapatid.

"Okay. Since ayaw mong pag-usapan si Drake, let's talk about..." Tangna! Ayoko yang mga pabitin-bitin effect niya. Idagdag mo pa ang pang-aasar ng mga tingin niya. Bigla tuloy akong kinabahan. "Let's talk about your feelings with Yumi."

Sabi na eh. Sa pagkakakilala ko kay Kirstin dati nung MU pa lang kami ay hindi naman siya ganito ka-chismosa ah. Anong pinakain ng fiancé niya at nagkaganito siya?

"Are you like that since we became close?" I asked her sarcastically and she just answer me with a chuckle.

"Evo, I'm just curious. The last time we talked, deny ka lang ng deny about your feelings for Yumi kahit halata ko namang may gusto ka sa kanya."

Halata ba ako? Kung nahahalata niya, nahahalata din kaya yun nila Drake at Ayato? O baka naman si Yumi? Aish! Wag naman sana, ayoko pang mag confess. Masyado pa akong preoccupied at natatakot ako sa magiging sagot niya.

"Sshh! Hinaan mo boses mo, nandiyan si Drake. Marinig ka pa nun, pag-initan ako lalo. Alam mo namang pinaglihi yun sa sama ng loob pag si Yumi ang pinag-usapan." Sita ko sa kanya.

Baka nga kasi marinig kami. We're just here in the mansion and Kirstin just visited me here at sinurprise ako sa pagdating niya.

"OH-EM-GEE!" mahina lang yung pagkakasabi niya nun tapos nakatitig siya sa may likuran ko and her looks is intriguing kaya lumingon ako sa direksyon na tinitingnan niya.

Pati ako nagulat sa nakita ko. Hindi pa sila nakakapasok sa loob pero mula dito ay kitang-kita sila sa labas dahil may malaking bintana dito sa living room.

Si Ayato nasa labas. At kasama si Yumi. Hindi lang basta kasama, pinagbuhat pa niya ng mga gamit niyang dala. What the! Anong masamang hangin ang pumasok sa utak ng gagong yun at pinagbuhat niya si Yumi?

Nang makapasok na sila ng tuluyan ay timing naman ang pagbaba ni Drake galing sa second floor na nakasando lang at halatang may mga plasters pa sa katawan.

Nagtama ang mga mata namin pare-pareho. Gulo na naman 'to panigurado. Knowing Drake's attitude.

"Hindi niyo ba ako iwe-welcome for coming back home?" Tanong ni Ayato na pabaling-baling ang tingin sa aming tatlo ni Drake at Kirstin.

"Well, ilang days ka lang naman nawala. Unlike me, I've been away for a month. Right, Yumi how are you?" Bati ni Kirstin kay Yumi at nag beso ang dalawa.

Hinila naman ni Kirstin palayo si Yumi, I think papunta sila sa kwarto niya. At naiwan naman kaming tatlo dito. There's something going on between these two. Again. Hindi kaya si Ayato ang may gawa nito kay Drake? Pwede rin yun. Knowing their grudges towards each other.

"You kidnapped her." Drake said as he gritted his teeth.

"No, I didn't. She already belongs to me, baka nakakalimutan mo yung deal natin." Sagot naman ni Ayato in a cold but dangerous tone.

Okay, outcast ako dito. Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila dahil gaya nga ng sinabi ko kanina, wala akong kaalam-alam sa pangyayari between them.

Hindi ko alam bakit sila nagpapataasan ng mga ihi nila at umabot sa ganito ang lahat. Ako ang panganay sa aming tatlo pero hindi ko sila magawang pigilan sa mga pagpapatayan nila, though nakikisali rin ako minsan pag napupuno na ako.

It all started when dad came here with Ayato. Drake began to act differently. Hindi naman ako naniniwalang ayaw niya kay Ayato dahil hindi namin siya kapatid maternally dahil kung yun ang rason niya, he should've hated me also dahil half brother din niya ako. The three of us are just siblings paternally.

Kahit na minsan pinag-iinitan ako ni Drake dahil sa pagiging short tempered niya at galit sa buong mundo, okay naman kaming dalawa. So, there should be a core of his grudge towards Ayato. At hindi ko alam kung ano yun.

"Yes you've won our duel. Yes you might have done this to me. But did I say na lalayo ako sa kanya? I didn't. Sige, gawin mo ang gusto mong gawin at hindi ako mangingialam. But I'll do my part as well. I'll be Yumi's suitor from now on."

Duel? So nagpatayan nga sila. Teka, suitor? Anong deal din ba ang pinag-usapan nila? Does this have to do with Yumi? I think it is dahil kanina ko pa naririnig ang pangalan niya and she's been the subject of their conversation since they arrived.

But... Suitor? As in manliligaw? Si Drake na dakilang playboy at possessive ay manliligaw? Marunong pala siya nun? Nakakabilib naman ang guts ng mokong na 'to. Sana meron din ako niyan.

"Cool. Eh di dalawa tayong manliligaw sa kanya. I'm courting her as well."

Muntik nang lumabas ang mga mata ko nang tingnan ko si Ayato pagkatapos niyang sabihin yun. He acts cool and confident. Manliligaw siya kay Yumi? Si Ayato na woman-hater? And take note, he doesn't like Japanese women dahil sa mama niya. And here he goes, telling us that he's courting a Japanese girl? Unbelievable!

Tumikhim ako para mapansin nilang nandito pa ako at nakikinig sa usapan nila. Para kasing wala silang nakikitang tao dito.

Napatingin naman silang dalawa sakin at ang sama ng tingin nila. Bakit? I just cleared my throat, mali ba yun?

"Ano?! Manliligaw ka rin kay Yumi?!" Drake asked irritatingly.

Uhh what? Me? Of course, kung kaya ko. Pero siyempre ayoko namang makihati sa mga kapatid ko. Ayos na sakin na makita siya sa malayuan. At kung sino man ang pipiliin niya, suportado ko siya. But between Ayato and Drake, mas boto ako sa sarili ko. Ehem, I mean, si Ayato. Kahit na siraulo kasi yan, alam kong malambot ang puso niyan when it comes to love. I know how he loves his mother. Sinasabi niya lang that he hates his mom pero ang totoo, it's just a defense mechanism for him to hide his pain.

As for Drake naman, he's a jerk, yes. Alam ko ring seryoso siya about Yumi, but it doesn't mean I don't trust him. It's just that, madaling mag-init ang ulo niya and he's damn possessive. He might do something bad to Yumi, kaya I'm not secured.

"Uh.. No. May the best man win, for the both of you." I tapped their shoulders and went upstairs.

I'll talk to Yumi first about what we saw earlier.
______________________

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon